Kauuwi lang namin ni Seph galing sa Trinoma... nanood kami ng
Star Trek. Maganda pala siya... hindi kasi ako fan tulad ni Quentin eh. Pero na-appreciate ko naman yung movie. Galing! ^^ Ganda rin ng website nila, kakabilib. :P
Ang kulit nung nasa likuran namin sa sinehan kanina... sobrang ingay! Limang beses na ata niyang napanood yung movie kaya pati dialogue sinasabayan. NAKAKAINIS. >_< Kulang na lang lumipat kami ni Seph nang upuan sa sobrang nakakainis niya. Eh ang layo pa nung lilipatan namin saka nakakatamad, kaya tiniis na lang namin. (Pero si Seph muntik na batuhin ng popcorn eh.)
Nag-Starbucks kami pagkatapos dahil nagc-crave ako ng cake. :P Hehe bumili pa si Seph ng isang buong cake para iuwi namin kay Quentin! :P Hahaha, sabi ko sa kanya masyado naman siyang nagpapa-good shot!
Ayan siya. Sarap diba? ^^ Hazelnut Chantilly Cake ang tawag sa kanya. :P Reminds me of Nutella.
...
I'm off to Singapore on Saturday. Sobrang short notice, pero sandali lang naman daw ang shoot ko doon. Tinanggap ko na kasi sayang naman, at wala naman akong ibang gagawin pa. Sa 15th pa naman ang pasukan at in-assure ako ng staff that we'll be done before then.
Una Japan, ngayon Singapore naman! (Sunod sana Europe. :P Hahaha, ilusyonada!)
Pero may alam ako, pupunta atang US. Yikeee~~~
...
^_____________^
Hyper pa ako sa chocolate. ^^ At masaya ako. Sana masaya rin kayong lahat, mga kaibigan ko! ♥