Mar 19, 2008 21:36
Na gaano man natin pinadidirihan at hindi pinaniniwalaan ang mga pang pelikulang takbo ng buhay ay sa loob loob natin ay pinapangarap din natin ang mga ito. Sa pelikula ang mga tao ay naguusap sa di karanaiwang ayos ng mga pangungusap, ang mga tauhan ay dumadanas ng matitinding kasiyahan at kalungkutan, ang mga impossible ay nangyayari, sa pelikula, nabubuhay ay mga salitang pananampalataya, pagasa at wagas na pagibig. Atin mang sinasabi sa mga kasama natin kung gaano ka "unrealistic" ng mga ito ay sa ating mga sarili'y ito ang realidad kung saan gusto natin mabuhay.
Sa pelikula ang mga taong galing sa magkabilang dulo ng social strata ay nabibigyan ng pagkakataon. Sa pelikula, nakakapagusap ang mata, ang mga tao ay may tiwala, ang mga tao' may pinaglalaban na para bang walang mawawala. Sa pelikula pwede mong sabihin ang iyong nadarama sa pagkanta. Sa pelikula, nakatali ang lahat na para banag isa nang buo at ang lahat ay nakadepende sa bawat isa.
Marahil ay hindi nga maaaring mangyari sa totoong buhay ang mga asa pelikula at mga tanga lamang na katulad ko ang umaasa pero, saan nga ba nanggagaling ang mga nakakatha at naiimbento? Hindi ba mula sa pangangailangan? Aminin mo.