anong oras na ah..

Feb 23, 2008 14:28

..at bakit gising ka pa?

tinapos ko kasi yung trabaho ko for SquEEEze. for the next few days kasi, I'll be studying, and sleeping, my ass off para sa eee35. below passing (read: equivalent to 4) na kasi ako at ayoko nang mag-finals dun kaya naman susubukan kong mag-aral kagad para mkabawi sa 3rdLE namin sa miyerkules. wala pa rin kasi akong alam. sa totoo lang, andito na naman ako sa aking "mid-sem slump" kung tawagin. yung tipong lahat na lang ng exam ko sa majors sabay-sabay pumapalya. dahil sa pagod, dahil sa dami ng ginagawa, but most of all, dahil sobrang tinatamad. parang last sem lang. pero dahil ayoko talagang mag-finals sa 35, kailangan na ng onting aksyon mula saken, something I'm not really used to doing. pag nag-aaral kasi ako, usually the day before the exam lang. pero nararamdaman ko ang bigat ng sitwasyon ngayon kaya naman ginagawan ko na ng karampatang aksyon.

natapos ko naman yung mga kayang tapusin. kaya matutulog na ako. maya-maya. kailangan ko rin munang maglabas ng mga nakikimkim na damdamin.

====================

isang buwan na lang at tapos na ang sem. grabe. parang kailan lang, nagkakandarapa pa kami sa Eng'g Week. haha.

ngayon nga pala yung bagong simula ng acad life ko. kasi nabawi ko na last sem yung nabagsak ko, kaya naman back to normal na. kaya ganun na lang ang pag-alala ko sa 35. ayoko nang maulit yun, kasi kapag nangyari ulit, baka mawalan na ko ng pag-asang ituloy pa ito. ayoko na ring bigyan ng malaking kapalpakan ang mga magulang ko. ako na nga lang ang inaasahan nila eh. ang laki ng expectations ng buong angkan sa akin. haha. UP kasi. kaya naman sobrang pressured.

naisip ko rin minsan na pano kung napunta ako sa mas madaling kurso? o kaya sa mas madaling unibersidad? cguro sobrang galing ko na dun, or sobrang basura. pero hindi cguro ako nakakaranas ng mga sobrang stressful na araw.

pero bat ko nga ba iniisip un? kung hindi ako nag-UP, kung hindi ako nag-ECE, kung hindi ako nag-Circuit, eh di hindi ko nakilala ang mga taong malapit saken ngayon. lalo ka na, nakoooo. haha. kung alam mo lang na mula nung nakilala kita eh ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya. pansin na pansin nga daw sabi nila eh. haha.

salamat. sa lahat. ^___^

sana lang talaga ay maging maayos ang lahat pagkatapos ng isang buwan. sana maulit ulit yung last year, wala kasi akong singko nun eh. haha. para naman matuwa ulet saken mga magulang ko. para rin lalo akong maging masaya. at para naman malaman ko na may maibubunga pa rin palang maganda ang mga bagay na ginagawa ko. na hindi lang ako nagsasayang ng oras. na lahat ng pinaghihirapan ko ay may saysay.

====================

pero bago mangyari ang lahat ng iyon, kailangan ko munang matulog. :P

Previous post Next post
Up