Bad Day

Jan 24, 2008 07:17

*tagalog post! yey!*

Isa sa mga pinaka-kinaiinisan ko ay kapag hindi nasusunod yung mga plano kong mangyari during the course of the day. Its a complex of mine. Hindi naman siya tipong strict na sched. Pero once I set my mind into doing it, kailangan eh gawin ko. For example, dahil may pera ako to burn, napagisipan kong uminom ng Starbucks ngayong araw. I'll find a way na gagawin ko yun ngayong araw. Yung ganun.

Yeah, weird.

At ito yung isa sa mga araw na nagkandaleche-leche lahat yun.

Since walang klase kanina dahil sa ACLE, pupunta kami ng ibang ckt sa Trinoma para manood sila ng sine. As usual, ang habol ko lang dito ay mag-DrumMania, at kapag sisipagin ay sasama ring manood ng sine. Dapat after ng 35 lab pa lang eh pupunta na ko upang kumain pero tinamad ako kasi wala man lang gustong sumama dahil may gagawin pa sila. Tapos nalaman ko pa na may sikreto ako na hindi sadyang naisiwalat sa isang tao. Nakakainis nga eh, hindi ko matandaan, pero alam ko talaga wala akong ipinagsasabing sikreto kahit kanino. Sorry talaga dude.

Kaya tuloy mga bandang 2:30 na ako nakaalis. Pagdating dun, napagdisisyunan ko na manood na rin dahil hindi naman ako gumastos sa pagkain. Tapos, ang pinakahihintay kong DM! Pagdating namin, may naglalarong mga matatandang mukhang professionals. Magaling sila kaya hindi ako agad nag-swipe kasi baka hindi nila alam yung ganung sistema at magalit sila sakin.

So I waited... for a looooooooooooong time.

While waiting, nagtaka ako kasi naka-auto yung hi-hat nila. Akala ko its something new. Nung may iba nang naglaro, nag-swipe kaagad ako ng 4 turns. Nung turn ko na, LO AND BEHOLD! SIRA YUNG HI-HAT! Tae talaga. Kaya pala naka-auto hi-hat nila. Eh, hindi pa naman ako sanay sa pagpadyak ng bass kaya isa lang tuloy yung nakumpleto ko dun sa 4 na credits. Php 18.00 ANG ISA NUN! Well, yung isa naman ay free game, but still... PERA RIN YUUUUUN!

Sana man lang naisipan ng management na ayusin yun ASAP. Or kung hindi nila kaya, sana man lang may announcement. Kasi, hindi naman lahat ng naglalaro dun eh yung tipong mga araw-araw pumupunta, at hindi lahat ay magaling. >.<

But what really makes today a bad day is the fact na HINDI KO MAN SIYA NAKITA. Ni sulyap man lang... T__T

Yes, I'm experiencing the high-school-type-lurve all over again. (Pathetic.)

Buti na lang isang napakalaking randomness ng Alvin and the Chipmunks! High-pitched-leik-crotch-squeezed singing while dancing + smart-ass talking animals = WIN. Tapos, opening song pa nila yung Bad Day ni Daniel Powter. Talk about timing. Haha. Nabawasan yung cranky-ness ko dahil dun. And to think na dapat hindi ako manonood.

Tapos ng pelikula, diretso ako umuwi. Baka mapagastos pa ko eh.

Meh.

Previous post Next post
Up