f'ed up.

Jan 17, 2008 02:12

sinubukan kong magpakabait ngayong 2008. dalawang linggo pa lang ang lumilipas at bumaba na ang aking mga marka. kahit anong pagpupursige ko, walang nararating. hindi ko man lang makapantay mga ka-course ko sa kanilang mga marka.

"tangina. my grades are motherfucking mediocre, and that's with studying my ass off already."
"what kind of grades do you want ba?"
"yung tipong kapantay naman ng mga ka-course ko diba?"
"oh. so you want to be boring."

salamat, ate. lol.

kaya ngayon, tama na. bahala na. lalabas na lang ako bukas tapos manonood ng sine.

ganoon talaga siguro. kung kailan ako nagseryosong mag-aral, kung kailan naman nagsibabaan mga grado ko. siguro hindi na lang dapat lumaban pa, sakyan na lang ang mga alon, para sa ngayon.

bahala na nga.
Previous post Next post
Up