fash yown na yun

Jan 18, 2008 02:49

Pwede ko bang sabihin na muntik na akong masuka kanina sa sobrang dumi ng industriang kinalalagyan ko?
Bakit ganun? Hindi ko akalaing ganito kawalang puri ang isang bagay na lubus lubusan kong minahal.
Nandito lang naman ako para magmasid, gumawa, at e represinta anG kagandahan...kagandahan ng lahat ng bagay. Ang katotohanan sa kagandahan. (oo, totoo sya) Ngunit iba ang ang nakikita ko, nararamdaman ko..puro kapangitan! graaabeeee...nakakasuka talaga. Puro pagkukunwari. Kung ganu kaganda ang kani kanilang itsura ganun naman nakakasindak sa pangit ang kanilang kalooban. Katumbas ng kalinisan at kabanguhan ng kanilang mga katawan ang nakakahilong alingasaw ng kadiring pagsisinungaling, sa kapwa at marahil lalo na sa sarili nila. Okay... siguro medyo nagiging judgemental na ako...sino ba naman ako para sabihin ang lahat ng ito? hindi naman ako santong nagkukunwari. Marahil hindi naman ganun kadumi ang kahit isa sa kanila. Siguro naman maski kunti marami ang totoong busilak ang kalooban. Pero alam mo ba na pag pinagsama-sama mo sila, nagmimistulang 'smokey mountain' ang umaailingasaw ng kapangitan ng ugali nila. kabebeso lang sabay sak sak ng patalim sa sandaling tumalikod ka, sya, tayo, sila~

Napaupo na lamang... Natahimik. Naalala ko na ito pala yung mga bagay na iniwasan ko noon. Ito yung dahilan kung bakit ako lumayo. Ito pala yung bagay na pilit patayin ang pagmamahal ko sa isang industriyang bumabahay sa mga kaibigan kong ibang klase ang mga galing ng isip at kakayanan. Mga taong, alam ko na kasing bait ng isang kapuri-puring santo. Ngayon, halos hindi mo na mamukhaan sa kapal ng patong patong na makeup, lungkot, galit, kasinungalingan, at pagkukunwari. Kailangan ko pang kausapin ng diretchahan at tignan ng masinsinan sa mata upang ipaalala sa kanila..."HELLO!!! AKO TO, KAIBIGAN MO? NAALALA MO PA BA TAYO?" Marami akong mahal na kung totoo man sa akin ay nagiibang anyo pagharap ay iba. Nakakalungkot. Hindi ko magawang ngumiti ng tunay...pati tuloy ako nagpaka plastik na. Ngiti, kailangan pa ring ngumiti kahit kunti, para maganda, para sa kanila, para sa kamera. Nakakahawa.

Panu mo nga naman kakalabanin ang ganitong pwersa, inpluwensya..kung sang katerba ang sasalubong sayo na hawak hawak mga granadang sumsabog ng kadiliman sa kung sino mang nakakakita ng liwanag? Bulag. Magbubulag-bulagan na lang ba ako? Kase dapat ganito, dapat ganyan...Sorry po hindi ka pwedeng umupo dyan dahil biglang dumating ang isang 'sikat' na artista. O kaya'y isang mayamang 'celebrity', o 'cute' na model.....haaay buhay! lalayasan ko nanaman ba itong klaseng pamumuhay? Pero panu sila? ang mga santong nakakulong sa ilalim ng yarda yardang 'draped' na damit?
Kung kaya ko mang iwan lahat, hindi ko kayang iwan ni isa sa kanila. Mahal ko pa rin ang industriyang ito. Palagay ko itoy lito. Balang araw, magigising na rin sya. Masakit man, kailangan harapin ang pangit na nasa salamin.
Previous post Next post
Up