[FANFIC] Isang Eksena + Ang Karibal

Apr 04, 2011 07:42

Titulo: Isang Eksena
May-Akda: macymacymacy 
Pares: Sakamoto Shougo x Maeda Nozomi
Rating: G
Genre: Kalokohan na may halong fluff?
Buod: field trip nila. ice skating. first time ni maeda.
AN:
-isang scene galing sa original story na ginawa ko nung nasa elementary pa ko so prepare for the worst. binago ko lang yung names. /pinalo
-FILIPINO obviously.
-Nozomi's POV
-try lang sa pair... para kay yatsuiko_chan, galing sa kanya yung idea. xD

-lagyan natin ng legend:
Nozomi
Shougo
Asami
Mirai
Saaya
Suzuka
Kamiki
Jingi
Chinen
Hayato
Yuto

Waah! First time ko mag-ice skate! First field trip ko bilang high school at pumunta kami sa ice skating rink.

At dahil nga first time ko, wala akong alam. Sumunod na lang ako sa mga kabarkada ko.

Tinulungan naman ako ni Mariya sa pagsuot nung ice skate at sa pagpunta sa rink.

Hindi ako makapunta sa gitna at feeling ko matutumba ako kung wala na akong hinahawakan. Si Mariya, Umika at

Mirai naman parang naglalakad lang sa rink, actually parang tumatakbo. Ang bibilis! Paikot-ikot lang ng rink. Si Mariya

tumatalon pa.

Hindi lang naman ako ang mag-isang nakadikit sa pader. Kasama ko si Suzuka, Asami at Saaya. Pero pagdating ni Jingi, na marunong mag-skate, nasa gitna na rin si Saaya.

Yung NYC (YamaJimaChii), naglolokohan at humihiga-higa pa sa rink. Mga sira talaga, pero nakakatawa sila.

Kahit yung ibang nagi-skate napapangiti sa kanila.

Tinutulungan naman kami ni Miki at Shougo. Yung mga pro, meaning si Mariya, Umika at Mirai kasi busy mag-exhibition sa gitna.

Nahihirapan pa rin kami nila Suzuka pero at least nakarating din kami sa gitna.

May staff namang lumapit kay Asami at tinuturuan siya. Si Suzuka tinuturuan ni Miki. Ako, pinapanood ni Shougo matumba. Pasaway!

“Shougo!!! Hawakan mo ko!” Inaabot ko siya nun pero ang layo niya at lumalayo talaga siya!

“Nozomi, hindi rin ako marunong. Kanina katulong ko si Miki kaya nakakabalance ako. Baka pag-humawak ka sa’kin parehas tayong matumba.” Lumalayo talaga siya!

Nakatigil na lang ako sa gitna.

“Non-chan!!”

Nagulat na lang ako at palapit na si Tanaka sa ‘kin at magkakabunggo na kami! Pumikit na lang ako at natumba nga kami. Tumama yung braso at kamay ko sa yelo pero malambot yung binagsakan ng mukha ko.

“Oi! Okay lang kayo?” Narinig ko naman yung boses ni Mirai.

Naramdaman ko naming nawala yung bigat sa likod ko, nakatayo na si Asami.

“Malambot naman si Non-chan… Hehe…” Pasaway ka Asami!

Binuksan ko na yung mata ko at tao pala ang nabagsakan ko.

“Malambot din si Shougo?” Nako, nang-asar na si Saaya.

At mukhang nandito na ang buong barkada ko.

“Okay ka lang?” Tinulungan naman ako ni Hayato.

“Okay ka lang??” Narinig ko naman si Kamiki. Wow, napaka-sincere. Halata mo naman dahil hawak-hawak niya yung digicam ni Yuto at umiilaw yung ‘recording.’

“Na-sprain yata yung right wrist ko.” Sinabi ko naman.

“Patingin.” Hinawakan naman ni Suzuka. “Namamaga.” Kinuha niya yung panyo niya at tinali sa wrist ko ng mahigpit.

“Gusto mo nang magpahinga?” Nako, ang Mama Suzu at Daddy Jingi namin, nag-aalala

“Yeah…”

“Ang bait niyo, hindi niyo ako pinapansin.” Sinabi naman ni Shougo na nakahiga pa rin dun sa ice.

“Shougo, okay ka lang?” Sinabi naman ni Mirai na parang nagbabasa ng script.

“Salamat. Thank you talaga... Mahal na mahal niyo ko...Gusto ko rin munang umupo.” Sinabi na lang ni Shougo.

“Tumayo ka kaya muna, pano ka lalabas ng rink.” Sabi ni Yuto.

“Pwede niyo kong buhatin?? Ang sakit ng likod ko eh.” Sabi ni Shougo.

“Sorry…” Sabi ko naman.

“Mabigat ka eh… Hila na lang…” Hala! Sinimulan talaga ni Chii hatakin si Shougo kaso mahirap gawin yun ng naka-ice-skate kaya maya-maya natumba din siya.

Tumayo rin naman si Shougo at lumabas kami ng rink. May mga upuan naman dun.

Inalis namin yung ice skate namin at umupo.

“Naalala ko tuloy nung tumakas si Miki at nadulas. Pinagtawanan ko pa siya nun, masakit pala talaga. Sabagay mas prefer niyang madulas kaysa magisa ni Mirai tungkol dun sa picture ni Mirai sa wallet niya.”

Tumawa naman ako nun.

Humiga naman bigla si Shougo dun sa bench.

“Sorry… Masakit pa rin yung likod mo?” Tanong ko.

“Okay lang… mawawala rin yan… magnet ka talaga ng disgrasya.”

“Sorry naman…” Sabi ko, now that I think about it. Para ngang si Shougo lagi ang nadadamay sa mga nangyayari sakin.

Na-witness niya yata lahat ng aksidente ko since 1st sem. Sorry naman, clumsy lang.

“Kailangan talagang inaalagaan ka eh no? Okay lang… gusto ko rin naman. Alam ko na ang feeling ng may aso.”

"Ang sama!!!" Sabi ko naman.

Tumawa siya. Maya-maya, tumatawa na rin ako. Para lang kaming baliw dun.

AN:
-parang kulang no? scene lang kasi. /binato

English translation here...

Titulo: Ang Karibal
May-Akda: macymacymacy 
Pares: YamaShi
Rating: G
Genre: Fluff at Ka-cute-an. x33
Buod: Iniwanan kay Mirai ang napaka-cute niyang kinakapatid na si Haruto-kun.
AN:
-galing rin dun sa original story na binanggit ko. same as above, binago ko lang yung names. /binaril
-FILIPINO obviously.
-Mirai's POV
-para kay Kuya Fritz ( ryoma_nakamada), advance Happy Birthday! (sorry, feeling ko fail siya.)

-lagyan din natin ng legend:
Yamada
Mirai
Haruto

---

"Yama-chan!! Sorry talaga late ako! May bisita kasing dumating. Kanina ka pa ba? Konti na lang naman yung bibilhin natin para sa school festival di ba?"

Next week na ang school festival ng Horikoshi, at dahil officer kami ni Yama-chan, napagtripan ng mga mababait naming kaklase na kami ang pabilhan ng props. Kaya ayun, kaylangan magtrabaho ng weekend. Salamat talaga guys.

Anyway, mukhang hindi naman nakikinig sa'kin si Yama-chan. Ni hindi siya nakatingin sa'kin. Sinundan ko naman yung tingin niya... Nakatingin pala siya kay Haruto.

“Sino siya?” Sabay pa nila sinabi. Sinagot ko na lang.

“Yama-chan, si Haru-kun nga pala. Kinakapatid ko. Haru-kun, si Yama-chan, kaibigan ko.”

“Hello.” Sabi naman ni Yama-chan kay Haruto with a very big smile.

NR naman si Haruto at nakatingin lang kay Yama-chan.

“Anong kaylangan mo kay Mirai?” Nagulat naman ako nung biglang tinanong ni Haruto yun. At mukhang nagulat din si Yama-chan.

Ngumiti si Yama.

Tinignan siya ng masama ni Haruto.

“Yung tinatanong ko.” Katakot naman tong batang to.

“Ano bang ibig mong sabihin sa tanong mo?” Tanong naman ni Yama na naka-smile pa rin.

“May gusto ka ba kay Mirai?” Ha???????!!

"Haruto!”

“Bakit mo naman natanong?”

“Kasi kung oo, rivals tayo.” Wait nga, nahihilo nanaman ako. Si Yama-chan naman lalong ngumiti.

“Mirai-chan, nakakatuwa naman ‘tong kinakapatid mo.”

Hala nagtititigan sila. Ewan ko ba, hindi ko alam kung matatawa ba ‘ko o maiinis. Pero parang mas malakas yung urge na tumawa. Pagnakita mo kasi silang dalawa. Isang 17 years old boy-Yamada Ryosuke, the idol, nakikipagtitigan sa isang 7 years old boy.

“Baka nagugutom kayo, gusto niyo ng barbecue?” Dahil wala na ako ibang masabi.

Grabe, hindi ko akalain na yung simpleng tanong na yun eh mauuwi sa kompetisyon. Magkano kaya nagastos ni Yama? Nakadalawang stick lang ako pero sila… nako, mayaman na siguro si Manong nagtitinda ng barbecue.

Nanalo naman si Haruto. Katwiran naman ni Yama, kanina pa siya kumakain kaya natural lang na kaunti lang makain niya ngayon. Ang sagot naman ni Haruto, wag daw pumayag si Yama kung sa dulo magbibigay lang siya ng excuse.

Hay ewan.

Pumunta na rin naman kami sa National Bookstore after nun at namili ng mga kakailanganin namin. After nun, pumunta kami sa bahay nila Yama para ilagay dun yung mga pinamili namin. Sila nila Yuto ang magdadala sa school sa Monday.

Inexplain ko naman kay Yama na iniwan sakin ng ninong ko tong si Haruto ngayon dahil busy siya ngayon sa work. Sila mama ganun din, at si Miyuu naman tinakasan ako at gumala.

"So, siguro pupunta na lang muna kami sa park ngayon. Ayoko naman tumambay sa bahay magdamag."

“Mirai, wala bang ibang mapupuntahan? Boring sa park…” Biglang singit naman ni Haruto.

Tumingin naman ako kay Yama. Nag-shrug lang siya. “Uhmm… Mall?”

“Oo nga naman. Mas marami naman magagawa dun. Sige dun na lang siguro... Okay lang ba yun, Haruto?”

Nagnod naman ang napakacute kong kinakapatid.

“Okay. Let’s go.”

"Sasama ka?"

Nag-shrug uli siya, "Ayoko ko rin tumambay dito sa bahay..."

Ngumiti naman ako sa kanya at nagshrug.

"Sige, kung gusto mo rin magbabysit..." Sinabi ko naman ng pabulong.

Sensitive kasi yan si Haruto, hindi na raw siya baby.

“Ayokong kasama ka.” Sinabi naman bigla ng pinakamamahal kong godbrother.

Binigyan ko naman siya ng winning smile ko, “Haruto, isama na natin si Yama-chan.”

“Gusto ko tayong dalawa lang.” Napangiti naman ako nun.

“Kinilig ka naman.” Binulong naman ni Yama.

“Bakit gusto mong kayong dalawa lang ni Mirai?”

“Hindi naman matatawag na date kung tatlo tayo.”

Eh nakakakilig naman talaga di ba?? Ang cute-cute!!

“Pero first date niyo di ba?”

“Ano ngayon?”

“Kapag first date dapat may chaperone, pag wala, hindi magiging official yung date.”

Tinitigan lang siya ni Haruto. Lagi niyang ginagawa yun ah.

Lumingon naman siya sa’kin.

“Ganon ba talaga yun?”

“Oo, ganun yun.”

“Hindi ikaw ang tinatanong ko” Suplado ah.

Tinignan naman ako ni Yama at naggesture na umoo daw ako.

“Oo, ganun yun.” Sinabi ko na lang.

Pumayag na si Haruto. Hanep mang-uto ng bata ‘tong si Yamada.

Pumunta nga kami sa mall, after namin magdisguise ni Yama.

Ang dami ring tao sa mall, karamihan mga groups of teens.

Nag-ikot-ikot lang muna kami. Hindi ko rin naman alam kung san dadalhin si Haruto. Maya-maya nagyaya naman siyang kumain ng ice cream. Pero ibang klase talaga ‘tong batang ‘to. Hindi talaga papayag na ibang ice cream ang bilhin, kaylangan daw McDo. Kaya ayun ako nakapila para lang sa ice cream niya.

Infairness, itong si Yamada at Haruto, disregarding yung physical features, parang magkapatid. Parehas kasi yung ugali. May pagkasuplado, may pagkamakulit, super competitive sa isa’t-isa at mukhang parehas mag-isip. Strawberry sundae kasi sila parehas, ako naman Choco.

Dun nga muna kami tumambay sa McDo at inubos muna namin yung ice cream namin. Nakihingi rin sa’kin si Haruto nung naubos na niya yung kanya. After nun nagyaya naman si Yama na mag-arcade.

Dun kami pumunta sa Tom’s World. At parang hindi yata magandang idea na pumasok dun dahil pagbigay na pagbigay ko pa lang ng mga token kay Haruto, hala ayun na sila ni Yamada at nilalaro lahat ng pwedeng pagkompitensyahan.

Kala ko ba date namin ni Haruto ‘to? Ba’t feeling ko ako yung chaperone?!

Habang naglalaro yung dalawa, lumabas muna ako at pumunta sa katabing shop. Titingin-tingin na lang muna siguro ako dito sa mga damit dahil hindi naman ako mahilig sa arcade.

Tindahan ng shirt yung napuntahan ko. Pwede magpaprint ng personalized shirt at meron din namang binebenta na may print na. Natuwa nga ako dun sa isang black shirt, nakalagay kasi ‘Go For The Future.’ May baon naman akong pera kaya binili ko na.

May nakita rin akong babagay kay Yama, nakalagay naman ‘Do I Dazzle You?’ in Twilight font. Wala lang, pang-asar. Haha. Ayaw niya kasi ng Twilight. Binili ko na rin, para na rin may souvenir siya sa date nila ni Haruto.

Wala naman akong mahanap na babagay kay Haruto at wala rin namang magkakasya sa kanya kaya nagpapersonalize na lang ako. Nagpaprint ako ng Kuroshitsuji na shirt. Favorite anime niya kasi yun.

After kong bumili, bumalik na rin ako dun sa Tom’s World. Mukhang hindi naman nila napansin na nawala ako.

Naglalaro naman sila ngayon ng racing. Nilapitan ko na sila nun.

“May nabili ka?” Napansin pala niya.

“Yup, ang cute. Meron din akong nabili para sa inyo ni Haruto.”

Di na siya sumagot nun. Naunahan kasi siya ni Haruto dun sa racing. Maya-maya natapos din naman yung game nila at si Haruto yung nanalo.

“Mirai! Nakita mo yun? Mas magaling ako sa kanya!”

“Oo nga eh.” Sabi ko naman.

“Hoy. Natalo kita sa basketball at sa Street Fighter.”

“Natalo naman kita sa racing tsaka dun sa barilan.”

“O sige na sige na. Parehas na kayong magaling. Ano maglalaro pa ba kayo?”

“Ubos na token ko eh.”

“Ubos na kagad? Iilan pa lang nalaro niyo ah.”

“Ilang beses kasi kami nagbasketball, at nagbarilan.”

“Gusto mo bumili uli ako?” Tinanong ko naman si Haruto.

“Hindi na. Sa iba naman tayo.”

“Okay. San mo gusto?”

“Toy Kingdom?”

“Okay.”

Ngumiti naman si Yamada nun. Tapos bumulong sa’kin. “Kahit parang mature na siya para sa edad niya bata pa rin talaga noh?”

Ngumiti lang ako kay Yama.

Pumunta kami sa Toy Kingdom. Habang naglalakad binigay ko na kay Yamada yung shirt niya. Nag-thank you siya pero hindi pa niya tinignan.

Pagdating namin sa Toy Kingdom, kinuha ni Yamada yung gamit namin at dineposit sa counter.

Pagpasok namin, diretso agad si Haruto sa mga Gundam model, si Yama naman sa game stuff. Nako, kahit naman siya child at heart pa rin.

Pinuntahan ko naman si Haruto. Tumingin siya sa’kin tapos hinila niya ko papunta dun sa mga Barbie. Nagulat naman ako. May gusto ba siyang bilhin dito?

“Bakit Haruto?”

“Para masolo naman kita. Lagi na lang umeepal si Yama-chan eh.”

Wasus, samantalang ako ang OP sa kanila. At 'Yama-chan' na ah??

“Mirai?”

“Hmm?”

“Nanliligaw ba sa’yo si Yama-chan?”

Nagulat naman ako sa tanong niya.

“Hindi. Bakit mo naman natanong?”

“Bagay kayo eh.”

Ha?

Tama ba ang narinig ko??

Who are you and what have you done to my Haruto???

“Siryoso!”

Ano kayang itsura ko ngayon?

“Kung hindi ako ang makakatuluyan mo, okay na sa’kin kung si Yama-chan.”

Napangiti naman ako sa kanya.

“Grabe, super close na talaga kayo ah.”

“Hindi ah.” Nako, deny pa ‘to, eh pinapamigay na niya ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ‘ko o magtatampo.

“Pero Mirai, kung sakali, may pag-asa ba ako sa’yo?”

“Syempre naman.”

“Eh si Yama-chan?”

“uhmm… Yeah…”

“Pano pag pinapili ka sa’ming dalawa?”

“Syempre ikaw!” Ngumiti siya nun.

“Eh pano pag sila ni Kamiki?”

Uhmm, past is past, pwede wag pag-usapan?

“Si Yama-chan.” Sabi ko naman, honestly.

Sa totoo lang, over na ko kay Miki and feeling ko hindi na babalik yun... Nakamove-on na ko please. Friends pa rin naman kami so walang prob... pero si Yama... okay fine crush ko siya pero malay ba natin kung lalalim yun o mawawala... only time can tell. So kung sa ngayon... yeah, kung 'sakaling' manligaw siya, may pag-asa...

Lalo siyang ngumiti nun, labas na ngipin at dimples. Grabe Yamada, anong gayuma ang ginamit mo sa batang ‘to?

“Buti naman.”

“Hoy, kayong dalawa. Ano bang ginagawa niyo diyan?”

Nagulat naman ako nun kay Yama-chan. Kanina pa ba siya nandiyan??!? Shemay!!!

“May tinatago ba kayo? Bakit ganyan itsura niyo?”

Hindi ko alam kung ano isasagot ko!

“Kami na, bakit?”

Kaya ayun, kiniliti siya ni Yama.

Almost dinner time na nun kaya kumain na kami sa Tropical Hut. After nun, nagpasundo si Yama kay Takaki, at hinatid niya kami sa bahay. Nakatulog na si Haruto nun kaya binuhat pa siya ni Yama hanggang sa kwarto namin.

Nako si Yamada, tatay na tatay, kinumutan pa niya si Haruto at medyo ginulo yung buhok.

“Ugh! Yama-chan!” Sinabi naman ni Haruto half-asleep.

Tumawa naman kami.

Tinabi ko naman sa kama yung binili kong shirt para sa kanya.

Bumaba na rin kami nun at hinatid ko na si Yamada palabas.

“Siguro pag nagka-anak ako, 'Haruto' ang ipapangalan ko.”

Natawa naman ako nun.

“Oo nga eh, daddy’ng daddy ka kanina.”

“Bakit, ayaw mo bang magka-Haruto kung sakali?”

“Grabe ang bata ko pa ah. Pero yeah, sure. Nakakatuwa talaga yang batang yan."

Ngumiti si Yamada nun ng sobrang laki. Medyo na-confuse ako.

Tapos sinabi niya, "Sige Mirai, kita na lang tayo sa Monday."

Tumango lang ako at nagsmile.

After nun, sumakay na siya sa kotse ni Takaki at umalis na sila.

Pagbalik ko naman sa taas, nagulat ako may mail kagad galing kay Yama.

'Thanks sa shirt. I like it. :D' yung nakalagay. Napasmile naman ako. Inaasar ko siya... well, sports naman yan si Yama basta hindi height ang pinag-uusapan.

Binuksan ko naman yung sa'kin. Panlalaki rin yung kinuha ko kasi mas trip ko pagmaluwag sa'kin yung damit ko.

Kaso nagulat ako, yung nasa akin ang nakalagay 'Do I Dazzle You?'

Nagkapalit kami??? Wait, 'Go For The Future' ang nakalagay dun!!!

Wait ah, na-confuse uli ako... Gusto niya yun????

Thanks for reading! XD

More fics? Go here--->  FANFICTION INDEX

genre: fluff, genre: crack, [a story by a fan], p: sakamoto shougo/maeda nozomi, .yacchan!, filipino/taglish, p: yamada ryosuke/shida mirai, t: oneshot

Previous post Next post
Up