Mar 23, 2006 19:14
Haha. Ang pagbabalik ni MAC. Wala, gusto ko lang ipaalam sa mundo kung gaano ako kamalas ngayong araw na toh. Ugh. Nawawala na naman ang wallet ko na naglalaman ng lisensya ko. Kung sino ka man na kumukuha palagi ng wallet ko, balak mo bang gawing lifetime collection ang lisensya ko? Every year na lang ata nawawala lisensya ko ha. Sana ibalik mo naman. Kahit yung pera sayo na. Gagawa nga ako ng raket. Yung tipong pwedeng isabit yung Driver's License sa leeg tulad ng mga IDs. Lalo na sakin, para hindi na mawawala. Nakakainis din, kasi bago lang yung wallet kung yun. At sa maikling pagsasama natin, minahal ko na talaga siya. Eto pa, kanina gutom na gutom na ako. At shempre ready to eat na ako, sabay huhugot sana ng wallet sa bag. Kaya lang wala. So ang abusadong Mac ay naging abusado na naman kay Debbie. Hehe. Nakontento na sana ako sa juice na sampung piso kung saan nagtreasure hunting pa ako sa pencil case ko para lang makakolekta ng sampung piso (napakapulubi ko talaga). Tapos ang mangyayari lang pala ay matatapon siya. At ang bagal pa ng reaction time ko, nabasa na bag ko, nabasa na pantalon ko, hindi ko pa rin ata napapansin. Ugh. Haw sad iz dat. And because, "it's fun to be a girl," ayun. Period. Waaah. Yoko naaa. What's happening to my world? Bleh.
New lay-out din pala LJ ko. Hahaha. Ayoko na mag-aral sa CS. Letting gooo.