SS Family RNR Part 1

Jun 11, 2018 02:37


"Kinulayan na, binasa pa," yan ang pinakasummary ng pinaghandaan namin na (two hours planning) SS RNR.

Supposedly, last June 1 and 2 ito, pero dahil sa nagpangasinan at zambales ang mga iba, ayun resched resched. Sabi nga nun isa, "wala na yang rnr na yan." Feeling ko tuloy prinoprovoke ako, kaya ayun, inilaban ko, "ituloy natin next week!"

Igrab ang chance habang kaya, buti nga ung training niya supposedly ng monday e namove, nakapagturo pa ng isang buong sfat, at kasama pa namin siya... siya ang csr e! hahaha!





Moving on, dahil hindi ko alam kung paano ito ioorganize, balik ako sa day ng planning. I think Thursday ito, two days before the happenings, after ng turo. Aware ako na uwing uwi na sila, si shen at doms nga dapat uuwi muna para makabalik sila kinabukasan ng gabi. Ni wala pang matinong plano kung saan ba talaga.

Original plan is stay-in sa Santol, pero madami kasing violent reactions from the first sched kasi ang gusto nila e mas malapit para mas madaling makahabol ng Sunday yung mga wala ng Saturday. So next na puntirya e sa Normis San Juan. Pinagdadasal namin na sana mura ang rooms nila na dormitory type para makapagstay-in. Pero dahil wala kaming mahanap na rates sa web at tinatamad akong mag inquire, next na suggestion e Bauang na lang... Sa Marand daw, baka makahirit ng discount sa mga kilala naming lifeguards na nakapagtraining sa amin, or Hotel45... Pero, in the end mukhang mapupunta lahat ng budget sa accomodation lang, wala kaming choice kundi balikan lang. Wala din namang magvolunteer ng mga bahay nila para kahit doon dumiretso after. Sa boarding sana, kaso sagrado dun, haha.

Sinubukan kong icontact si Pavillion, natry ko nang magevent kasi dun before kaya may number ako sa may-ari, at aware ako na mura ang stay dun. 200 per head, overnight.. pool fee sa resort na malapit e nasa 60 to 70 lang. Malayo nga lang. Buti na lang, may sasakyan si boss. Yun na ang icocommit niya.

So in the end, doon na ipush. Kahit namin ilapit namin, hindi rin kasi namin sure na makakasunod yung mga iba na nagsabing susunod  na lang, at syempre madami na silang namissed pag ganun, so since na nag ok naman yung mga active sa turo, pinush na namin.

Sa meeting na part, (Thursday) hindi nga ito yung unang pinag usapan since inistress debriefing pa yung mga team from zambales. Feeling ko aping api sila doon, kaya parang ayoko nang magpadala ulit doon sa susunod na requst nila. Wala na akong ibang sasabihin sana kaso nag alboroto yung isa, nanipa pa ng dummy at medyo nagtaas ng boses. Naloka ako, hindi ako nakasagot agad, ung iba e nanahimik na lang. (Pinaalala ko ito sa kanya kanina, at medyo sinabihan siya na naloloka at nagugulat ako pag ginagawa niya yun, hindi kaya yun ung first time. Tapos sabihin ba naman na natatawa daw siya that time, kasi joke lang niya yun. Stressful!)

Buti naalala namin na may RNR pala na dapat pag usapan, so ayun, kinuwenta kung magkano ang estimated budget (maraming salamat po sa mga nagdonate, at ikinalulungkot po namin na hindi namin kayo nakasama sa mga sandaling yaon), at pinag usapan kung ano ang mga dapat bilhin at dalhin at lahat lahat na. Si doms na ang bahala sa mga games, mataas ang expectations namin dyan. Kahit na may budget para sa mga pangkain, nagpapasalamat kami sa mga nagvolunteer na magdala ng additional na mailuluto at syempre yung mga gagamitin na panluto, mga plato, pitcher hahaha lahat lahat na. Kung ano pang naisip nila na dalhin na alam nilang makakatulong, highly appreciated po. Yun lang, kung makapag-suggest kami ng mga lulutuin, parang ang lalakas naman naming kumain at kaya namin lahat ubusin.

So Friday na. Distracted tuloy ako sa work, buti na lang wala si boss (ung boss ko sa office) at wala din akong masyadong nirurush bukod sa distribution plan na hanggang ngayon hindi ko pa pala tapos. Naloka lang ako ng mga after lunch at tumawag yung isa at may urgent na utos sa tawag. Bili ng rushguard, now na. Ayoko sana na bumili na hindi siya kasama kasi alam kong magrereklamo yun either sa kulay o sa size or sa kung ano man maisip niyang ireklamo. "May choice pa ba ako, bukas na kaya" yun ang statement niya so ok po, Rachel samahan mo ako para hindi ako mag isang maaaway. At bakit kasi siya late na nagbyahe, at sana sinabi niya ng mas maaga. Adik adik.

Dalawa nang binili namin para may choices, yung lang dahil masyado kaming nakafocus sa pagpili ng kulay na hindi kami maaaway (either black, blue or white daw kasi e) ayun, nakalimutan naming icheck yung size. Though halos magkasize naman kami, kasi uniform ko e uniform niya din. In the end, ung black ang sa kanya, akin yung gray (though mas gusto niya daw yung gray, e wala naman sa sinabi niyang kulay ung gray haha).

After work. Kaming tatlo nina che ang nag grocery since nalate ng konti sina shen at doms. Napag usapan pala na mag sstay ang lahat (except kay pao) para sa pre-event. Ganyan e, may pre event, event proper at post event. First time magduty nina mam ed at che. Sina shen na daw bahalang magmarket kinabukasan. Maaga magigising para makapalengke at makaluto. Inayos na din namin partly lahat ng mga gamit na kailangang dalhin.

Kinabukasan. Eto na. Ung sinabing gising ng 4:30, naging quarter to 6. Or feeling ko lang? Kasi yun ung gising ko e, hahaha. Nakikita ko na kasing nglalakad lakad yung iba, so baka nga maaga silang nagising? "Gising ka na, tumulong kang magluto" sabi niya. "E ikaw?" "O sige, kayo nang magdrive" K. Haha.

Naligo na muna ako, ewan ko lang kung nakaligo na yung iba. Kaso ayun nakita ko yung apat na umalis para mamalengke. Ung isa naman bumangon na para umuwi saglit at balikan na lang din ung ilang nakalimutan niyang dalhin. Magvovolunteer na sana akong magluto ng mga ilang nagrocery kahapon e, pero iantay ko na lang kay chef shen. Nag igib na lang ng tubig na panluto at iayos yung mismong gagamitin sa pagluluto.

So eto yung cooking session namin.



Medyo hindi namin nasunod yung pinanong oras ng departure. Though nauna na kami ng sasakyan kasama lahat lahat ng mga gamit at nalutong pagkain at para makaset up din sa venue. Commute ung lima after nilang bumili ng pancit. Kaso late sila nakaalis kasi nataong hindi nila maiwanan yung office kasi walang maiiwang staff.

9:30 kami nakadating. Sinilip muna namin sa accom para makapili ng room, at para maready within an hour. After e, bumaba para icheck ung mismong resort. At para makapareserve na din ng kubo. 60 pesos per head tas 500 sa cottage. Yes, buti na lang.

Balik sa taas. Dapat daw talaga nagsama pa kami ng isa, para may kasama kaming nagbaba ng mga gamit. Haha. Ang dami kasi pramis. Ow well, ganun talaga. Tapos wala pang kuryente, hindi kami nakasaing agad ng rice. Inaway pa ako kasi sana doon na lang kami sa isang room kasi mas sama sama, yung pinaprepare ko e medyo may separation. Sabi na nga ba, sana siya nalang namili e.

Mga 11:30 na nung din nung sinundo sa Balaoan Town yung remaining. Ayun at naglunch muna kami sa taas since anong oras na din. Ang haba ng byahe nila. Buti na lang at super naappreciate nila yung area at maski rooms. Ang bongga daw. Haha. Told yah. For 200 pesos, ok  na ok.

Then after, konting bwelo, then punta na sa baba!

Laughtrip lang kasi ung ambon naging ulan na. Pero since nasa 'nothing can stop us now' at 'mababasa din naman tayo sa pool, so ok lang mabasa sa ulan' mood, so party party na. May kanya kanya pang swimming lesson.

Akala nga namin wala nang pagames, kasi ayaw naman nang tumila ng ulan. Pinipilit na naming mag isip ng iba si doms. Buti na lang, tumila din at hindi nasayang ung effort at preparation at flour ni game master.

Mk x shen x editha vs Maan x Cherry x Paulo

Line up pa lang, sabi ko na nga ba talo na kami. Haha char. Ayoko nang idetalye yung buong laro, tutal recorded naman ni game master. Basta dinaya kami. Haha loko lang. Sobrang competitive kasi mga kalaban. Every start ng game, may bulungan pa sila to stategize. Me to my teammate: Bulangan din tayo para kunwari may stategy tayo. Haha.

Final score ay 3:1. Five games ang total, pero void ung isang panalo namin. So eto para sa winning team, self-fullfilment, confidence and thumbs up na malupit ang prize. Tutal kayo ang tagadagdag ng game mechanics, hahah, joke.



Konting swimming pa, bago tuluyang bumalik sa taas since until 5pm lang yung resort.





At sinulit na din nung tatlo ung venue, sinamantala na din nilang magphotoshoot. Sumama lang ako sa start pero iniwan ko na lang din sila.





Syet ang daming nangyari, ang haba tuloy nito. Tapos may backstory pa. Pagbalik namin sa taas, akala ko tapos na ang competition, warm up pa pala yun. Haha. (Edited: After one month bago nagawa yung back story. Haha. Douzo~)





personal: travel

Previous post Next post
Up