If I were to have a perfect bag. It should be able to carry all my tech stuff and must haves for a trip:
1. My 10inch notebook and charger
2. Pinky (instax mini) plus 2 packs of film
3. Diego (my supersampler) plus two rolls of film
4. Nikon P5100 (point and shoot)
5. My fat wallet (with no cash)
6. Nintendo DS lite with charger
7. Moleskine pocket journal and pens
8. iPod
10. WD external hard drive (for emergencies)
11. Maliit na kikay kit (face powder, sunscreen, lip gloss and blush)
Feeling ko kung dala ko ang mga ito ahhh.. kumpleto ako.. at magkaka-back ache sa bigat.
Hahaha.. e bakit yung tatay ko, almost 50, but has this BIG Crumpler 5 Million Dollar Home tsaka dambuhalang lappytopy bag? Ah kaya nga pala siya may rayuma. Hahaha..
Look at this, the sideKick bag. Nakakita na ako nito sa Team Manila sa may Jupiter Street Makati for Php2500, pero that is the tela version (right) the waterproof version (left) must be way more expensive. Hmmm.. Pero kung Crumpler, di hamak na mas mahal yon. Pero mas cute din. At bakit ba ako nananag-inip ng mga ganitong bagay, e wala naman akong pera? NGEK! Hayyy... Gusto ko nang gumaling at magtrabaho at magkaron ng magandang health insurance, para hindi na ako asa ng asa sa mga magulang ko sa gastos, na napakagastos ng gamot ko at bayad sa pt at caregiver at huwag nyo nang tanungin kung magkano.. Haaaayyy... Hindi talaga ako mabubuhay kung wala ang mga magulang ko at kung hindi magaling ang tatay ko at masipag ang nanay ko at may utak sila at talagang mapagmahal at at at at .... tingnan mo nga si pops, nabili pa akong lappytapy kasi daw malungkot ako at walang magawa nung nabedridden ako last year. Nung una naisip ko, hindi ko rin naman magamit kasi ang hirap maglappy ng nakahiga, pero ngayon, gamit na gamit si lappy at tunay na matibay at matatag kahit hindi mahal. One year old na si Lappy last Feb26 and it still works like brand new. Medyo mabagal lang ang start up dahil sa YM.
With that said, marami akong pasasalamat sa aking mga magulang, na mahilig din sa tech stuff. At ang palaging nagsasabi na "there is no reason for you to fail [or not to get better], dahil lahat naman ng kailangan n'yo ay ibinibigay namin." Ayan... at iba pang mga moto tulad ng "huwag ka nang umiyak, hindi ka pa naman mamamatay dyan." (sabi ng tatay ko kapag kakabitan ako ng catheter). Este nalalayo na tayo sa usapan. Baboosh!