Wanted: Pretend Boyfriend

Oct 12, 2009 10:06


I guess the title said it all.

I need a pretend boyfriend--badly! Hindi lang yung basta pretend boyfriend, kundi yung sasama sa akin sa a-attend-an kong kasal at aaktong in love na in love sa akin.
Please, please, please... I'm desperate.

Ikakasal na kasi si--si Joseph. He was my boyfriend for five years, and when he went to New York last year, usapan na namin na pagbalik niya, sa altar na ang tuloy namin. Pero yun...
He visited me three months ago para sabihing he fell in love with another girl and now, they're getting married.

Hindi ko rin alam, baka pride ko lang ang nasasaktan ngayon. Basta, i don't want to be a coward. I want to face this.

Pero siyempre kailangan ko ng support di ba? Ayokong magmukhang tanga or kawawa. I want Joseph to think that I'm over him... kahit hindi yun totoo.

Please help me. Hindi ko maatim humingi ng tulong sa mga ex-suitors ko kasi... hindi masyadong maganda ang pambabasted ko sa kanila eh. :(

I'd really appreciate any help you could extend to me. Thank you so much in advance.

Love,
FLORENCE ANNE LEGAZPI*

* Heroine ng recently released novel ko, Undercover Date. wehehehehe. Nayari ko kayo!

Here's the final teaser:

Undercover Date
Louise Dane

Ang assignment ni Adam Caballero ay manmanan lamang at alamin ang activity ni Florence Anne Legazpi. Ang kanila kasing kliyente na si Mrs. Elizabeth Oreiro ay may anak na baliw na baliw sa babae at napansin umano ng ginang ang malakas na paggastos ng anak. Nais malaman ni Mrs. Oreiro kung karapat-dapat ba ang dalaga para sa anak o plano lang talaga nitong huthutan ang unico hijo nito.

It was a dull job at katakut-takot na katuwiran ang ibinigay niya sa ama, na siya ring boss niya, para tanggihan iyon. Sa malas, hindi siya pinagbigyan nito.

Pero mali pala. It was not a boring job at all. At mukhang mas matinding panganib ang kakaharapin ng puso niya-it’s on the verge of falling in love real hard and Adam was afraid it’d be more than he could handle…

Get your copy!

adam, undercover date, novels, louise dane

Previous post
Up