Songs That Gave Me Inspiration

Jun 01, 2009 11:27

Kung hindi ninyo pa po napansin, ako po ay isang diva feeling diva. Aside from books, i'm addicted to music din. Sobra! Mas trip ko pang makinig ng music kaysa manood ng TV.  Kapag papasok ako sa work, kailangan dalawang klase ng earphone ang dala ko. Para kung sakaling mawalan ng battery ang I-pod, puwede akong makinig na lang sa cellphone. My computer sa office ay may kulang 1,000 songs yata at yung sa bahay... hindi ko na mabilang. Aside from the I-pod and cellphone, me dalawang mp3 din ako na medyo maliit ang memory capacity. May memory cards ako at USBs na pulos kanta lang ang laman. iba-iba pong klaseng music yun, depende sa mood ko. Pag sinearch mo ang browsing history ng internet ko, kundi downloads sa 4shared at aimini, lyrics at chords ng kanta ang naroon. Siguro, one of my greatest fear ay ang mabingi.

Addict nga eh.

Anyway, what i'm trying to say is that music is a vital part of my life. kaya normal na ring makakuha ako ng inspiration slash ideas (minsan pati dialogues) sa mga lyrics ng kanta. iyon ang reason kaya may ala OST ako for each novel.
at dahil I'm sick and at home pero walang maisip i-blog about, eto muna ang ise-share ko sa inyo.

Here are the list of songs na talagang ininclude ko yung mismong lyrics sa novel:

When The Impostor (not the final title)_  Can’t Help Fallin’ In Love (Richard Marx):  kasi favorite ko po ito and it's so fitting dahil whirlwind romance ang nangyari sa characters.

I Miss You (Klymaxx): buong kanta yata inilagay ko in an attempt na mapahaba ang nobela (daya!)

Written in The Stars_ Born For You (David Pomeranz): Yung title po mismo came from its lyrics.

Jele_Jele Bago Quierre _The Reason Why (John Fordham): Wedding song nila, pero isang line lang yata yung naisali ko. Yung part na kinanta ni Rob for Ivory.

It Started With A Kiss _ Love Song For No One (John Mayer): kasi theme song ko siya (!)

My Happy Ending_Now and Forever (Richard Marx): i promised myself na ito po ang magiging wedding song ko. Kung kelan iyon, ewan ko po kay Lord.

Better Than Life (Hillsong Music Australia) kasi i love the line: "I can't stop falling in love with You, I'll never stop falling in love with You."

Love At Your Own Risk _Beautiful: Sorry i don't know kung sino kumanta basta i love the lyrics. It's a fun song. Isang line lang ang sinali ko.

Made In Heaven_ Let It Be Me (Everly Brothers): wala lang. Sweet kasi kahit medyo old song na.
                                 Home (Dishwalla): eto yung pinakakinuhanan ko ng inspiration in weaving Jad's character especially yung sa emotions niya. I love Dishwalla and JR Richard's voice.
                                 Everything She Does Is Magic : kasi romantic.
                                Normal Life (July For Kings) : para kasi siyang proposal so i took a line for Jad's proposal.

to hear the songs i'm drawing inspiration from, for the novel i'm writing right now, stay put po. I-upload ko lang sa multiply ko.

my heroes, novels, themes

Previous post Next post
Up