My Heroes 3/3

May 29, 2009 10:43

Of all the novels I’ve written, sa My Happy Ending ako pinakanaka-relate. Actually, it’s my love story-or at least how I wanted it to end. Too bad, hindi ako ang author ng buhay ko so I can’t manipulate things para maging kagaya ng kay Ryanne ang love story ko.

Shucks, I sounded serious there. Cant believe it! Moving on, here are my fave lines and scenes from this book. Here, Ryanne was dancing and singing in tune of Better Than Life by Hillsong, habang nagkakabit ng kurtina nang biglang…

“Magaling ka rin palang sumayaw,” anang tinig na nagpagulat sa kanya. Nawalan siya ng balanse at akmang mahuhulog.

“Easy…” Nahagip ni Cole ang baywang niya at ibinaba siya sa sahig. She suddenly felt a strike of electricity at the touch of his strong and calloused fingers on her skin.

She looked up to see his face. Her veins were pounding. He was so near and so robust. And the way he was looking at her made her feel so vulnerable… so feminine…

“Are you okay?” tanong nito habang inaayos ang nagulo niyang buhok. Parang timang na napatitig lang siya rito. She realized how much she missed seeing his face. Ngumiti ito nang nanunukso, saka kinuha ang bakal na kinabitan ng kurtina. “Ako na nga. Ba’t ba kasi ginagawa mo pa ’to?” Walang hirap na isinabit nito iyon. Humarap ito na nakangiti pa rin. “Kasi naman kung magsasayaw ka, tumuntong ka sa mesa, huwag sa silya.”

The spell broke. Inirapan niya ito saka tumalikod, pinatay ang CD player at sinimulang tipunin ang maruruming kurtina. Sumunod si Colby sa kanya.

“Bakit ba ’andito ka? Ano na naman ba’ng kailangan mo?” Dere-derecho siya sa laundry area na nasa likod-bahay. May isang pinto patungo roon mula sa kusina. Ang inis niya sa lalaking nakasunod pa rin sa kanya ay ibinunton niya sa paglalagay ng mga kurtina sa laundry basket.

Nang hindi sumagot si Cole, nakapamaywang na hinarap niya ito. Huling-huli niya ito habang tila pinag-aaralan ang mga hita at binti niya na nakahantad sa maikling shorts na suot niya.

Nag-init ang mga pisngi niya. Parang gusto niyang damputin muli ang maruruming kurtina at ipantakip sa mga binti. O kaya ay magtatakbo sa kanyang silid at magpalit ng pantalon.

“Ano’ng tinitingin-tingin mo d’yan?” asik niya.

He smiled enigmatically at her. “Sabay tayong mag-lunch.”

Ilang sandali siyang nawalan ng sasabihin. Nang makahuma, pinilit niyang gawing salat sa emosyon ang tinig. “Bakit, nasa Paris ba ang supermodel mong girlfriend at wala kang makasabay kumain?”

He chuckled, eyes twinkling. “Nagseselos ka ba?”

“The nerve!” Nilampasan niya ito para bumalik na sana sa sala. Pero inabot nito ang braso niya at hinigit siya nang bahagya palapit.

“Umamin ka na, crush mo pa rin ako, di ba?” ngiting-ngiting tanong nito.

Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa braso niya. “P’wede ba, bitawan mo ako. Nananaginip ka kung iniisip mong nagseselos ako sa girlfriend mong retokada, ’no!”

Ang lakas ng tawa nito. “Okay, for your peace of mind, hear this.” Ikinulong nito sa malalaking palad ang mukha niya. “Wala kaming relasyon ni Tiffany.”

Sandaling natameme si Ryanne. Hindi siya sigurado kung dahil sa sinabi nito o sa mabangong hininga nito na tumama sa mukha niya nang magsalita ito.

Eto pa.

“My life was like that of Cinderella, Ryanne. Mahirap ang buhay namin at meron akong stepsister, pero hindi siya evil.” Tumawa ito nang maiksi. “Mayroon din akong godfather na mabait. Hindi siya fairy, pero siya ang rason kaya ko narating ang kinalalagyan ko ngayon.”

She noticed the glint of gratitude in his eyes. She could not help feeling proud of what he had become. At umusbong ang paghanga niya dahil marunong itong tumanaw ng utang-na-loob. Pinigilan niya ang sariling yakapin ito at sabihan ng, ‘I’m so proud of you.’ She just smiled sweetly at him.

Huminto ito sa ginagawa at tinitigan siya. “Right now, I’m looking for a beautiful princess to complete my fairy tale.”

She blushed. Alam niyang hindi siya ang tinutukoy nito pero…

She swallowed a lump in her throat. “I’m sure there's a long line of women who wanted to try if the silver slipper would befit them, right?” She just wished he did not notice the sarcasm in her voice… at ang matinding selos para sa sinumang masuwerteng babaeng makakabihag ng puso ni Colby Vargas.

And more…

“Can I ask you a favor?” anas niyang hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata nito.

“W-what?”

Itinaas niya ang kamay at hinagod ng isang daliri ang maliliit na buhok sa noo nito. “’Wag kang ngingiti nang ganyan kay Brent.” Nakatitig lang ito sa kanya, bakas ang kalituhan sa mukha. “Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili niya, ma-in love siya sa ’yo.”

Saglit na natigilan si Ryanne saka tumawa nang mahina. Naisip nito na nagseselos si Cole, she decided to tease him more. “Ano’ng problema d’un? Wala pa yata siyang asawa?”

Iba naman ang pakahulugan ng lalaki roon. May inis na bumangon sa dibdib ni Colby sa katuwaang nakabakas sa mukha ng babae. Bakit parang nagustuhan nito ang ideya na posibleng magkagusto rito ang kaibigan niya? Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya.

“’Eto ang problema.” Hinagip niya ang ulo nito at hinagkan ito nang mariin sa labi.

Oh, God! Nai-inlove na naman yata ako sa kanya! Eto pa ang kilig lines niya!

“Oh, dear Lord… can I just take your lips with me to the office?” Colby after their good bye kiss, papasok na kasi siya sa office.

While on a hot arguement: “You want commitment? Fine. Iiwasan ko ang kahit sinong babae kung gusto mo. Hindi ako sanay sa ganito but I’ll do it for you. I’m giving you the right to tame me… to tone me down. Just, please… let me have you.”

After kissing her vehemently: “I suppose you got my message. Those lips are mine, Ryanne. You are mine,” he arrogantly said.

Parang hindi ko na kayang ituloy. Nasaid yata ang energy ko. (OA!)

Okay, fine. My last published novel was entitled Love Me At Your Own Risk. Nauna ko itong sinimulan kaysa sa It Started With A Kiss, kaso nahuli siyang natapos. Paul Taviel Irons is serious, medyo masungit at… torpe. Heroine is pasaway.

Maputik ang daan dahil maulan-ulan ang panahon mula kaninang hapon. Kaya nga may suot siyang bota at may dalang payong. Napapahumindig siya kapag kumukulog o kumikidlat. Pero pilit niyang pinatapang ang sarili at derechong tinalunton ang daan patungo sa garahe sa likod ng kubo. Walang dapat makapigil sa kanyang plano.

May beinte minutos siyang naglakad bago narating iyon. Nahirapan na kasi siyang lumakad sa kapal ng putik na kumapit sa bota niya. Inilagay niya kaagad ang gamit sa passenger seat sa harap ng kotse bago sumakay. She spent more or less two minutes in trying to start the engine.

“Makisama ka naman,” kausap niya sa kotse. Sa wakas ay umayos ang tunog niyon. “Whew, finally!”

Sinimulan niyang paandarin ang Beetle. Gustuhin man niyang pabilisin ang takbo ng sasakyan, hindi niya magawa. Putik-putik ang daan at lumulubog ang gulong ng kotse sa lupa. Tila kaalyansa rin ni Taviel maging ang langit dahil lumakas ang kanina ay ambon lang. Sumabay pa roon ang malakas na hangin.

“Oh, geez!” she shouted nang malubak ang gulong at hindi niya maiahon. Ilang beses siyang sumubok pero nabigo siya. “Hell!”

Bumaba siya at sinubukang itulak ang Beetle. Hindi na siya nag-abalang gumamit ng payong kaya nabasa na siya ng ulan. Naglabasan na yata lahat ng litid niya sa leeg niya sa pagtutulak sa Beetle pero nanatili sa pagkakalubog ang kotse.

“Dammit! Dammit! Damn car!” Pinagsisipa niya ang gulong niyon. Nang mapagod, nanlulumong napasandal siya sa sasakyan. “Paano pa ako makakatakas ngayon?”

“Need help?” anang tinig na nagpagulat sa kanya.

Malamang nagmukha siyang tarsier sa laki ng mga mata niya nang malingunan ang nagsalita na noon ay prenteng nakadungaw sa nakabukas na bintana sa backseat ng kotse-si Taviel!

“Oh, shit! What are you doing here?” Namula yata pati dulo ng buhok niya sa pagkapahiya.

Sa tulong ng hawak nitong flashlight, nakita niya ang expression ng mukha nito. Parang sinabi nitong ‘Akala mo, makakatakas ka sa akin, ano?’
       Oh, Lord… I’m doomed!

Notice his trail of thoughts while watching Summer sleep:

Sa kanyang paningin, the atmosphere in his room suddenly changed into something feminine, sweet and beautiful. It was all due to Summer’s presence. He knew it would haunt him kahit kapag lumipat na ang babae sa tunay nitong silid. And sleeping there would never be the same again. Ever…

Bukas ang ilaw pero tulog ang dalaga. A tender smile formed on his lips nang mapansin ang nakataob na pocketbook sa tabi nito na hawak pa rin ng isang kamay nito. Nahulaan niyang nakatulugan nito ang pagbabasa.

Ibinaba niya ang tray na dala sa ibabaw ng side table. Pagkatapos ay patingkayad siyang naupo sa sahig sa gilid ng kama para mas mamasdan nang malapitan ang babae.

She looked so innocent and angelic in her sleep. May ilang hibla ng buhok nito ang bahagyang nakatabing sa pisngi nito at medyo nakaawang ang mapupulang labi.

Hindi iisipin ninuman na isa itong mechanic and custom auto designer and builder. Lalong walang makakaisip na pinarurusahan ito ngayon ng abuelo dahil sa katigasan ng ulo. Her sweet face was a misleading disguise of a bull-headed woman inside.

Lumamlam ang mga mata niya at wala sa loob na hinaplos ng mga buto sa likod ng kanyang palad ang pisngi nito. He did not understand pero mula pa noong una niya itong makita, she gave him an impression of someone needing his protection. Yes, kahit pa ilang beses na nitong pinatunayan sa kanya na independent ito at matapang, unlike most brats.

Aside from Nanay Tinay and his sister Hershey, she was the only woman who could incite his well-kept mellow side. Looking at her face or hearing her laugh, never failed to make him imagine a lovely star-filled night… or romantic poetry.

He sighed. Nagse-senti ka naman, Taviel, sita niya sa sarili.

She seemed to have his whole being in her little hand. Mabuti na lang, hindi alam ni Summer na kaya nitong tibagin ang cold facade niya sa isang tingin lang… na sa isang ngiti nito, kaya siya nitong pasunurin sa anumang nais nito. Kung nagkataong alam nito iyon baka pinaglaruan na siya nito.

Ganoon kaya talaga ang epekto nito sa lahat ng lalaki?

Malamang, sagot niya sa isip.

At kung gaano siya katorpe:

“Summer…” Napahinto siya pero hindi ito nilingon. “Did he ask for your number?” dugtong nito. Nalilitong hinarap niya ito. Hindi niya mabasa ang emosyong nasa mga mata nito. “Si Ace. Did he get your address in Manila?”

Lumalim ang kunot sa noo niya. “N-no. Why?”

“Bakit… bakit hawak niya ang kamay mo kanina?”

Napatda si Summer. Magkakahalong emosyon ang sumibol sa puso niya. Ano ang masama kung hinawakan ng doktor ang kamay niya? Kagagalit-galit ba iyon? Teka… nagseselos ba ito?

“Answer me, damn you,” mahina pero may bantang sabi nito habang humahakbang pa papalapit. “May gusto ba sa ’yo si Ace?”

Umusbong ang kilig sa dibdib niya. Namuo ang isang matamis na ngiti sa mga labi niya. Sinalubong niya ang matalim nitong tingin. “Bakit hindi siya ang tanungin mo? Mukhang mas alam niya ang sagot d’yan.”

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. He had seen that same triumphant grin that Summer was showing him. Ganoon ang kanyang ngiti kapag kasama ang mga admirers niya. And he hated himself for the jealousy creeping inside his heart. Sumabay pa roon ang uncertainty para sa sarili na ngayon lamang naramdaman ni Taviel.

“Ganyan ka ba talaga magselos?”

Napakurap ito sa kaderechahan ng dalaga. “Sino’ng may sabing nagseselos ako?”

Namaywang siya sa harap nito. “Eh, bakit ganyan ka makapagtanong?”

Pasalamat si Taviel na patay ang ilaw sa pasilyong iyon at malamlam na liwanag lang ang pumapasok doon mula sa buwan sa labas ng bintana. Kung hindi, nakita sana ng babae ang pamumula ng mga pisngi nito.

Kilig line:  At first sight of her, every little part of his heart melted for her.

I hope you liked it. Ako, na-inlove uli! Parang ready na akong magsulat uli. Hello again, Josh Escudero!

love me at your own risk, taviel, colby, my happy ending, heroes, novels

Previous post Next post
Up