Hypochondriasis?

Jan 10, 2009 20:32


"I'm twitching," sabi ko kay elfen_jed  kanina sa simbahan.

Ngumiti lang siya (in his own unsmiling way) at sinabing, "Iniisip mo kasi eh!" Hindi nalalayo sa sinabi niya ang sinabi sa akin ni Mama kaninang umaga.

More than a month ago, dinamba ako ng isa sa mga alaga kong aso. Nagresulta iyon sa isang maliit na gasgas sa braso ko. Nilinis ko at sinubukang paduguin, pero walang dugo. Hinayaan ko lang na gumaling ang maliit na gasgas na iyon.

Early December, heto naman at di sinasadyang matamaan ng ngipin ng isa ko pang alaga ang binti ko. Did the usual wound cleaning routine pero this time, nagpa-inject na 'ko para sigurado.

Anti-rabies vaccine: check. (I'll be on my 4th and supposedly last shot on the 19th. Di sila nagbibigay ng immunoglobulin)

Anti-tetanus (only the toxoid dahil nag-positive ang skin test ko sa ATS): check.

Signs and symptoms? Other than the muscle twitching, none.

And my dogs are still healthy and annoyingly hyper.

"Alam mo loloh, parang ganito din yung naramdaman ko nung nasa Shangri-la tayo nung um-attend tayo ng conference. Yung sa sobrang lamig eh parang nagsi-seizure ako," ang sabi ko pagkatapos naming kumanta ng karaoke sa arcade ng mall na malapit sa amin.

"Wala ka kasing mapagbalingan," sagot niya.

"Hinihintay ko na nga lang na magsimula ang review ko para sa NCLEX para ma-divert ang atensyon ko."

Sino ba naman ang hindi takot mamatay?

"Sampalin mo nga ako, loloh," banat ko kay elfen_jed. Tumawa lang siya.
Previous post Next post
Up