WANTED: Song Needs Melody

Jul 23, 2013 22:01

If anyone thinks this is good/okay, can you help me with the melody? I can't write music.

AAAAAAAAAAAAA! (Gusto Ko)
by Pol Doble

Babangon sa kama
Nakapikit pa ang mata
(Kain, bihis, trabaho, hinga)
Di na kailangang bumuka

Pinipihit ang kaluluwa
Sa bawat yapak ng mga paa
(Commute, inom, ligo, higa)
Walang nakikita ang nakadapa

Hay buhay na 'to, sawang sawa
Sa lahat ng diyaryo, lumang balita

Gusto ko ng kuwentong pampelikula
Puno ng mura at nagbabagang romansa
At kung magwakas, magwawala
Ayoko ng panyo, gusto ko baha

Gusto ko ng ka-love-team na marunong kumanta
Na mabait, matapang at medyo tomboy sa umpisa
Kung mag-away kami parang aso't pusa
Pag kami na, kikiligin ang bansa

Gusto ko ng baril na di nawawalan ng bala,
Kaaway na mabangis at walang kunsensiya
Pantay ang laban, nagsakripisyo ang bida
Ligtas ang mundo, iiyak ang masa

Gusto ko ng kuwentong pampelikula
Puno ng mura at nagbabagang romansa
At kung magwakas, magwawala
Ayoko ng panyo, gusto ko baha

Mestisang kontrabida
Sampal sa mukha

Buntong hininga
Totoo ang sumpa

Sakakatawa
Tumulo ang luha

Tuloy ang martsa
Walang himala

Walang himala
Walang himala
Walang himala

Gusto ko ng buhay na pampelikula
Puno ng mura at nagbabagang romansa
At sa wakas, magwawala
Ayoko ng panyo, gusto ko baha

manila my manila, drama, poetry & lyrics, women, awesome, turn it up, insight, writing

Previous post Next post
Up