Jul 27, 2007 10:29
Nung Wednesday ang schedule ng section namin na manood ng NCAA game. Dahil first time kong manonood ng ganito medyo kabado ko. Sabi sa akin nung mga classmate ko 12 to 1:30 daw ang call time. Ako naman si engot nagmamadali umalis ng bahay ng araw na iyon. 20 minutes before 12 na ako nakaalis ng bahay dahil sa dami ng mga binubuting ting ko. Para di ako malate nag taxi na ako. Nakarating ako sa school ng 12:10 at nakita ko ung bus na sasakyan papuntang NCAA, ang problema nga lang... pag silip ko sa bus na iyon wala ako kakilala. Pumasok ako sa loob ng campus para mag tanong tanong, sa kasamaang palad wala akong makitang classmate ko o kahit yung mga barkada ko. Nagpasya akong magtanong nalang sa mga andun. Inilabas ko ang ticket ko at ipinakita ko sa manong na nasa pintuan ng bus, ang sabi ko "Manong ito po ba ung bus na sasakyan para sa NCAA?" sabay wagayway ng ticket ko. Yung bobong manong tumango lang. Tanong pa ulit ako "Manong pwede nang sumakay?", tango lang ulit ang isinagot sa akin ng bobong manong. Pagpasok ko sa loob nailang ako kasi wala akong kakilala talaga kahit isa. Naghanap agad ako ng mauupuan, nang makaupo maya maya may sumigaw ng "Mag attendance na tayo" kinabahan ako ang naisip ko kasi "Pano kung mag attendance din yung mga classmate ko eh di ko sila kasama sa bus?". Di ako nakibo hanggang sa makarating sa akin yung yellow pad na para sa attendance, tinitigan ko mabuti at wala akong nakitang inilalagay na section. Bigla syang kinuha ng lalake sa harapan ko kasi may di pa daw nakapirma sa harapan. Tapos nun tinanong ako nung lalake na yun, ganito yung pag uusap namin...
Lalaki: Ate banda ka?
Geo: Hindi
Lalaki: Pep squad?
Geo: Hindi rin
Lalaki: Eh saan ka?
Geo: Ordinaryong estudyante lang ako.
Lalaki: Ngek! Para sa banda lang at pep squad ang bus na ito. Mamaya pa yung para sa mga estudyante.
Geo: Ay ganun ba? Teka bababa ako.
Lalaki: Wag na ate dito ka nalang masaya dito, kasama ka na rin sa banda
Amfufufufu noh? Pero totoong masaya dun sa loob ng bus nila. Interesado nga akong sumali talaga sa banda (dahil ayoko sa pepsquad, ang costume ng babae ay skirt ewwww...) at tinanong ko na kung pano sumali di ko pa lang nakakausap ulit para ifollow up ung audition ko ehehehe...
Good News:
Nanalo ang JRU sa NCAA nung Wednesday. Ang kalaban namin ay mga taga St. Benilde. Wala kaming activity sa PE sa lunes.
Bad News:
May crush ako at varsity player... kaya lang di ng team namin kundi sa kabilang team. Taga St. Benilde at bangko pa. AMF~!