Jan 29, 2010 15:03
Galing akong probinsya, kaya wala akong alam sa heograpiya ng Maynila. Malay ko ba kung nasaan ang Maceda street, kung nasaan ang Taft Avenue, kung nasaan ang Eastwood, kung nasaan ang Nacpil, kung nasaan ang Divisoria, kung nasaan ang Katipunan, kung ano ang LRT station at ang pagkakaiba nito sa MRT station, kung ano ang pinakamalapit na daan patungong Alabang kung galing kang Marikina. Wala akong kaalam alam pagdating sa mga daanan at kalsada ng Maynila. Ang alam ko lang kung nasaan ang Calamba, San Pablo, Los Banos, F.O. Santos, Raymundo Gate, Anos, at kung ano ano pang lansangang maliliit kung saan ako lumaki.
Pero dahil naandito na ako ngayon sa Xavierville Avenue, Loyola Heights, Quezon City at ako ay isang studyante ng Ateneo de Manila sa Katipunan, mukhang kailangan ko nang pag-aralan kung papaano makab-biyahe sa kung saan saang sulok ng Maynila.
Pero sa ngayon,
ang solusyon ay.
Taxi.
Sinabihan ako ng magulang ko na huwag na huwag akong sumakay ng taxi mag-isa, o kaya naman, huwag na huwag daw akong sasakay ng taxi ng puro babae kami, o kaya’y huwag na huwag akong mag-taxi kapag naka-shorts ako. Ewan ko ba. Sabagay, marami akong naririnig na holdapan pagdating sa mga taong nakasakay sa taxi. Kaya ang dating sa akin, lahat ng sulok ng Maynila, may nakatabing BABALA sa bawat imaheng napasok sa utak ko. Eh gayunpaman, kung kailangan bumyahe, edi b-byahe. Alangan namang lakarin ko ang buong kahabaan ng EDSA. Aba’y kasing nipis na siguro ng papel ang Merrel na sapatos ko. Havaianas man yan o Hawayanas.
Kaya,
Ano pa bang magagawa kung kailangan kong makapunta ng PGH upang puntahan ang ate ko sa UP Med.
Edi,
Taxi.
Marami na akong nasakyang taxi. Yung iba, sobrang lamig sa loob. Para bang iceman yung driver, ngumunguya pa ng doublemint habang nagd-drive sa refrigirator niyang sasakyan. Pero ung kabaligtaran ng Iceman driver ang mas talamak sa mga nasakyan ko nang taxi. Yun naman ung impyernong taxi. Grabe ang init sa loob ng sasakyan! Talo pa ata ang impyerno. Kapag sabihin mo sa mama na kung pwedeng lakasan ung erkon, papakita niyang pinipihit niya yoong “knob” ng aircon, pero hindi mo maririnig na lumakas ang ihip ng hangin. Hindi mo naman mabuksan ang bintana kasi napaka-ganit ng malagkit lagkit na paikot na pihitan ng pampababa ng salamin. Kaya wala ka nang ibang magawa kundi magpaypay ng sarili gamit kung ano ang pinakamalapit sa kamay mo na flat na bagay. Kahit ano. ID mo, folder, papel, minsan, kung wala na talaga, kamay mo na lang.
Ung ibang kotse naman, ung metro ang gumagawa ng kababalaghan. Minsan kapag pumupunta kami ng Banapple sa Libis (oha oha alam kong Libis ang tawag kasi binasa ko ung menu ng banapple), inaabot kami ng isandaang piso. Minsan naman, 75 lang. Minsan nga 50. Hindi naman lagi gaanong traffic. At regular naman na araw, at regular rin naman ang takbo ng oras. Hindi ko alam. Basta bayaran mo nalang. Minsan may nakukuha ka pang electronic na resibo na nakaliligayang panoorin mag-print. Pakiramdam mo high tetsh na. Basta. Mahal o mura, bayaran mo na. Nakarating ka rin naman sa destinasyon mo eh.
Isa pa, hikain ako. Kaya sensitibo ako sa amoy ng mga kung ano anong bagay. Hindi naman ung punto na kapag umutot ang katabi ko, malalaman kong utot niya yoon at hindi anit lang niya. Basta, kailangan sang-ayon sa ilong ko ang isang amoy. Kundi, mangangamatis ang ilong ko sa kaka-atsing at kaka-punas ng tisyu o loob ng manggas ko. Mga taxi, minsan ang amoy, hindi mo maintindihan! Driver na hindi naliligo na hinaluan ng Axe na pabango. O kaya naman, amoy anghit ng nagbebenta ng DBD sa may bangketa, minsan ung isang nasakyan ko, amoy tinapa na amoy juicy fruit na amoy doublemint na amoy Pine car fragrance na amoy Albatross na amoy Sto. Nino. Nagutom ako sa amoy ng tinapa, pero mejo nagtaka rin kung bakit amoy tinapa yung Pine Car fragrance. Iba amoy plastic cover, iba amoy isda. Pero pinakatalamak ung amoy isda. Edi ang pinakalagi kong nasasakyang taxi, mainit na kotseng amoy isda. Wow.
Di bale kung alin man ang masakyan mong klase ng kotse ng taxi. Basta ang importante, nakarating ka sa destinasyon mo.
Minsan, kapag nasa Katipunan ka at talagang kailangan mo ng taxi, doon naman sila hindi dumadating. Ang aarte ng mga anak ng. Kapag papara ka, kailangan mo sabihin muna kung saan ka pupunta. kapag hindi nila “type” yung pupuntahan mo, paandarin nila ng mabilis yung kotse habang bukas pa yung pintuan kasi nga sinasabi mo palang kung saan ka patungo. Isang beses nga muntik nang masagasaan ang paa ko. Mga walang hiya. Nangyari narin saakin yung um-oo na yung driver, nakasakay ka na ng buong buo at komportable na ang pagkaka-upo mo sa pulang seatcover na amoy isda, sabay kapag nakitang traffic ang dadaanan, ibababa ka sa pinakamalapit na loading unloading.Nakakairita talaga. Pero wal kang magagawa. Kailangan mo kumuha ng taxi para makarating ka sa destinasyon mo.
Yun lang talaga yon.
Kapag nakakuha ka na ng taxi, magpasalamat ka na at manalangin ka na sa Diyos na hindi ka nila liligawin. Ang teknik ko, kukuhanan ko ng litrato yung mga numero sa tabi ng pintuan. Nakakatuwa yung mga yoon. Lagi puti ang font color, at lagi iisa lang ang font. Hindi ko alam kung saan napulot ng mga taxi driver ang font na gamit nila sa “Comments or Suggestions? Call or text xxxxxxxx”. O kaya naman, naghahanap na ako sa Google Earth ng mga alternatibong rowta patungo sa aking destinasyon. Kung ligawin, bahala na. Basta lang. Makarating ka lang talaga sa destinasyon mo.
Yoong tipo ng mga taxi driver at kung ano ano ang mga natitipuhan nilang pag-usapan, nagi-iba iba rin. Isang beses, papunta akong MOA, kasama ko ang nanay ko nito. Nanggaling kaming Heritage kaya isang sakay lang papuntang MOA. Yung taxi driver, dada ng dada tungkol sa politiko ng Pilipinas. Katatapos lang ng tidal wave noon na sumalanta sa Indonesia. Sabi niya, “Sana matsunami ang Malacanang. Lamunin sana ng dagat si Gloria!” Pagkatapos niyang sabihin iyon, biglang may nag wengweng sa likod ng taxi namin. Convoy ng mga itim na Expedition tapos may hilera ng mga motorsiklo na nagegewang-gewang para mapalawak yung daan na mac-clear para sa Convoy. Pagkadaan ng convoy, nakita naming lahat sa loob ng taxi, na may karo na nagmamadali patungo sa siguro’y malapit na libingan. At ang sabi ni Manong taxi driver
“Sa huling hantungan na nga, nagmamadali pa. Kung ako yan, pinakamabagal na andar ang gagawin ko. Huling biyahe na nga.”
Nakarating naman kami noon sa MOA ng hindi nalalamon ng tsunami.
Isa pang taxi na nasakyan ko, ngayon ngayon lang, papunta ako ng Maceda sa may Espana. Galing akong Katipunan noon. Hindi ko inakala na aabot ng 250 ang metro. Pero binayaran ko rin naman. Mukha kasing niligaw ako nung taxi driver. Eh sa may Espana, nag buntong hininga na ako sa haba at sa tagal na ng byahe namin. Ang sabi naman niya,
“Malapit na ho, maam! Kaunting kaunti na lang”
Yeah right.
Nakarating naman ako sa Maceda. 250 pesos poorer. Sumara sana ang butas ng pwet ng taxi driver na yoon.
Pero. Nakarating pa rin ako.
Ang pinakamasama at pinakanatakot ako na sakay ko sa Taxi, ay nitong nakaraang linggo lang. Pauwi akong Xavierville galing Gateway. Di ko alam kung bakit hindi na lang ako nag LRT, tinamad siguro ako pumila sa Bag inspection na walang ibang ginawa kundi tusukin ung wallet o loob ng bag mo tapos sisilip tapos paaalisin ka na. Napakawalang kwentang inspeksyon eh. Useless. Anyway, sumakay ako ng Taxi sa tapat ng Taco Bell, sa kabila ng Krispy Kreme, at sa tabi ng sakayan ng Ali Mall shuttle.
Pagkatapos ng matagal na paghihintay, nakakuha rin ako ng taxi.
Pagsakay ko, wala namang kakaibang amoy. Katamtaman ang erkon, at elektronik ang metro, font ng nakasulat sa tabi ng pintuan ay puti, berdeng seat cover na may parang butas sa gitna ng hita ko na mukhang binutasan gamit ang nagbabagang upos ng sigarilyo, at isang matandang driver.
Mukhang mas matanda pa sa lolo ko.
At sabi niya.
“Alam mo, mahirap talaga kapag nalalayo ka sa asawa mo”
Mejo nakaramdam na ako ng takot sa simula pa lang ng kwento niya. Nanalangin na ako sa Diyos. Ayaw ko ma-rape ng wala sa tamang oras. Lalo kung mukhang maduming lolo na ang gagawa. Amoy lupa na.
Nagpatuloy siya.
“Yung asawa ko kasi pumunta ng Mindoro, eh ngayon, yung kaibigan kong dati pa, lumalapit lagi ngayon sa akin. Walang asawa yoon, pero may anak. Fourth year high school ngayon sa Adamson. Yung kaibigan kong iyon, may stall sa Divisoria. Kaya kami nagkakilala, kasi hinatid ko siya isang beses doon.”
Hindi ako umiimik. Sa loob loob ko, shet pare tumahimik ka na.
“Ang pangalan niya ay Camille. Yung anak niya, di ko na sasabihin di mo naman kasi kilala. Eh ngayon, nag-birthday siya nung isang buwan na ang nakalipas. Sabi ko, anong gusto mong regalo. Sabi ni Camille, aba edi tirahin mo ako. *sabay tawa ng malakas nung taxi driver* Aba’y, hindi ako makapaniwala na sinabi niya sa akin iyon! Yung babaeng yon, mukhang wala nang asim! Titirahin ko pa?! Ikaw ba, titirahin mo pa ba yoon?”
Sabay tingin sa akin nung mamang driver. Naalala niya siguro na babae ako, kaya hindi na niya inantay pa ang sagot ko. Nagpatuloy siya sa pag-kwento.
“O edi pumayag ako. Pumunta kami sa bahay niya doon sa may Fajardo. Alam mo yoon, yung kapag nanggaling ka sa Legarda station, di-dirediretsuhin mo lang, matutumpok mo yung bahay niya. May sari-sari store sa tabi, tapos may parkingan ng awto ko sa harap. Pero hindi talaga ako ngp-park kasi mahahalata naman ng mga kapitbahay”
Nagt-text na ako sa boyfriend ko na tulungan niya ako. Ayaw ko na marinig yung kasunod na alam kong sasabihin ng mama. Pero hindi ko na natapos yung mensahe, masyado ako naintriga sa susunod niyang sinabi! Si lolo pala, may asim pa!
“Aba, pagdating ko sa bahay niya nung bertday niya, may dala ba namang tatlong tig i-isang litro ng Red Horse! *Sabay tawa na naman tapos tingin sa akin* Alam mo yon?!”
Tumango na lang ako.
“Edi samakatuwid, may nangyari sa amin nung gabing iyon.”
Hindi na ako makapag-pigil. Sabi ko sa mama. “Manong, kadiri ka.”
Sabi niya,
“Eh naman. Sex lang ang habol ko. CHEX KUNG CHEX LANG. Hindi mo naman alam kung ano ang pakiramdam kapag nasa Mindoro ang misis mo!”
Wala na akong masabi. Napakarami ko sanang gustong sabihin. Gusto ko na ngang buksan yung pinto at magpagulong gulong na sa labas, para lang makalayo na sa driver na to. Gumulong palayo parang si Stitch kapag kinakagat niya yung paa niya. Mawala sa kinaroroonan ko parang kapag nagt-teleport sina Vegeta at Son Goku. Pero hindi ko magawa. Ang tumatakbo lang sa utak ko,
Darating ako sa destinasyon ko.
Tuloy lang ng dada yung driver. Hindi na ako nakikinig. Natatakot na ako sa maririnig ko pa. Ang natatandaan ko nalang, Asim at Sex. Sobrang diring diri na ako. Pakiramdam ko, yung inuupuan ko ay puno ng kung ano anong mga bagay na nanggaling sa kaniya. Para bang kapag nanonood ka ng C.S.I. at inilawan nila ng UV ang inuupuan mo, masisilaw ka sa liwanag ng mga patche patcheng hindi ko na sasabihin kung ano.
60 na yung metro.
Kita ko na ang Papu’s. Malapit na. Salamat naman po.
Ng makarating rin sa dorm ko, nagbayad ako, pagkatapos, bago ko isara ang pinto, sinigurado kong nakatapak na ako sa labas at kita na ako ng guwardiya ng building namin.
Sinigawan ko siya.
“Manong, kung ikaw ang asawa ko at nalaman kong nakikipagsex ka sa ibang babae, sisiguraduhin kong puputulin ko ang titi mo at ipapakain ko sa aso namin!!!!!”
Sabay takbo ko papasok ng dorm.
Nakarating ako sa destinasyon ko.
Pero mukhang hindi na ulit ako sasakay ng Taxi. Hindi na baleng maging kasing nipis ng papel ang Hawayanas ko, o mamayat man ako sa kakasaulo ng mga LRT at MRT stations. Hindi na baleng matagal ang byahe sa jeep. Di na baleng di na muna bumyahe kung makapag-aantay naman ang kailangang gawin.
Importante, makakabalik ako sa maliliit na lansangan kung saan ako lumaki sa maliit na bayan ng Los Banos. Importanteng nakarating ako. At hindi nagmamadali. Hindi katulad ng karo na nagmamadaling pumunta sa huling hantungan. Mas gugustuhin kong mainitan o manigas sa lamig, mas gugustuhin kong umamoy ng limandaang tinapa sa loob ng kotse, mas gugustuhin kong magbayad ng libo. Basta lang buhay pa ko. Basta lang ramdam ko pa lahat ng sakit at baho at irita sa lahat ng ito.