Oct 17, 2007 19:46
Why is everyone so grade-conscious?
I'm so irritated about the way people complain about it. I mean, get a life, would you?
Grades can be cheated. I can name people who cheat on a regular basis, while I've never cheated in any quiz, or in any exam, in my ENTIRE life. Kasi ayokong lumaking ganun. Gusto ko, honest ako. Because practice makes permanent. Ayokong matutong mandaya, ayokong maging bihasa sa pandaraya, kasi gusto kong maging tunay na professional.
Tapos, ang magiging impression ng taong babasa nito, siguro ang baba ng grades ko, kaya compensation mechanism ko ang mag-rant. Leche. Bakit ba ako napunta sa klaseng kahit matino ang grades mo ay feeling mo mababa pa rin, eh kung ikukumpara mo naman to the rest of the batch, maituturing na above average ka na. I hate it I hate it I hate it! Leche talaga. Nandoon lang ako para mangliit, ganoon ba 'yun? Oh well. "It's better to be at the tail of the tiger than to be at the nose of the cat" naman daw. May benefits ang ganoong kaso pero sa ngayon, 'di ko makita, kasi I feel bad lang at lalong nawawala ang motivation sa'kin.
Ay leche ayoko na. Ipapasa ko lahat ng requirements at gagawin ko ang best ko sa kanila. At alam kong mahusay akong tunay when I deal with my patients, at ayos na ayos 'yun. 'Yun ang totoong deal. Hindi ang maka-highest sa quizzes sa lecture classes. Sa duty ka umayos kasi 'yun ang magiging buhay mo.
I hope I remember this night, when next sem I start complaining about my grades.
Grades are just grades.
Life is a whole lot more than just numbers written on papers.
Really.
Nako Carla, mag-aral ka, pero 'wag kang magiging GC, kahit kailan.
Nako talaga.
Karma, sana dumating ka na.
rant,
nursing,
rle,
grades,
duty