Jun 16, 2007 16:16
= surgeon. HAHA. New word. Syempre tinuro sa amin ang Tagalog nun. (Ni hindi ko nga mawari kung Tagalog ba o Spanish eh.) Ang natoka na first shift sa group namin (twelve kami) this sem ay ang Operating Room, sa *Pay* Division ng USTe. Sa sariling ospital na nga namin, sa pay pa :| Unang sabak! Last sem, mga delivery room lang sa Tondo, sa Sta. Mesa, sa Dimasalang, etc ang niraraket namin. Nung isang sem naman, sa clinical division (translation: charity ward) lang. Ngayon, paying clients na ito. Level-up! Adobo na talaga 'pag nagkamali pa kami :)) Tapos kahit marami nang nag-a-affiliate na ibang school sa amin, sa OR pay, kami lang ang pinapa-duty, kasi sa'min lang daw may tiwala. Hala, ano nang gagawin ko 'pag nakapatay ako bigla?! PRESSURE!
Pero, may fun side naman. O ewan kung fun nga, basta I find it thrilling. Kasi, may night shift na rin. Bale, since may 7am-12pm lecture class kami, for the weeks to come, may days na babalik sa ospital for duty ng 6pm. Hanggang 6am na 'yun. Twelve hours duty, dude. Gusto ko na ma-experience! HAHA. Gabi lang eh noh. Nae-excite na ko :)) At saka sa lecture kahit papa'no, natuwa naman ako sa sarili ko. Kasi kahapon, inaantok ako. Ta's nagpagising ako sa seatmate ko. Sabi ni seatmate (Camille), "Paano'ng gagawin ko?" Ta's biglang at will, nagising ako. AMAZING! Hindi ko normally nagagawa 'yun! Naisip ko lang na ako nga pala ang magde-decide kung gigising ako o hindi. Nasa sa akin naman talaga 'yun.
Natatakot lang ako sa mga surihano. 'Yung iba, (sabi sa orientation), *binabato* sa scrub nurse (estudyante) ang equipment 'pag mali ang naiabot sa kanila. Ganun kasungit! Bad trip, mabibigat ang metal na equipment, malamang solido ang tama nun! Ta's 'yung iba din, mahilig mag-powertrip. O kaya, rude at sarcastic sumagot. Bawal naman sila barahin. Bawal rin bastusin. "Diyos ng OR" nga daw. Ang saklap ng tingin ng mga doktor na 'yan sa nurses. Oh well. Although pinagtanggol naman ng instructors ang mga surihano. Nagpa-panic lang daw talaga pagdating sa major cases, at ang pag-icha ng gamit ay kanilang common na paraan ng stress release. Pareho ng assistant surgeon, staff nurse, at clinical instructor. Hmm. 'Pag nagalit kasi si surihano, chain reaction na 'yan. Bali kaming students ang dakilang shock absorbers, parang mga kuneho lang na nasa ugat ng food chain. Pakshet. Magaling talaga. Sabay magpapaturo ng asepsis ang med students sa nursing students eh, noh. Kasi 'yung mga grad ng ibang pre-med, hindi talaga familiar sa methods na 'yun.
Tour at initial briefing kanina. Akalain mong may ikaka-strict pa pala sila sa asepsis (translation: ka-OC-han). Todo make-up duty na 'pag lumihis ang landas sa sterile areas, o 'pag may nalimutan na paraphernalia sa bag. Sinisimulan ko na ngang i-memorize by heart (akala ko sa formulas lang nangyayari 'yan!) yung equipment: all types of sharps, clamps, retractors, yadda. So far, equipment for biliary surgeries lang 'ata ang required. Hmm. Mahigpit na rin ang guidelines sa folding, gowning, gloving, etc. Ang-suave nila mag-demo HAHA. Feeling ko minsan, sayaw na ang ginagawa ng mga instructor at hindi na origami. (Origami ang tingin ko dati.) Nursing is an art, paulit-ulit na idinidildil. Nursing is an art. Oh noooes. Ako ang batang burara at barubal sa gamit! Kailangan maging masinop, gusto kong pumasa, kaya kailangan!
Na-warningan na rin kami na hindi na uso ang breaks. Kanina, 7am-1pm shift namin, no break. Past one na kami nag-lunch. 'Yung iba sa amin hindi pa nag-breakfast, kasi hindi sanay mag-breakfast. Nalipasan na nga 'ata kami ng gutom. Sa bagay, hindi mo na rin naman maiisip ang pagkain 'pag busy ka.
Syempre sa utak ko, ganito na ang mga bagay kasi nga OR na. Kaso, ewan eh, overwhelmed pa rin ako. Kahapon nga, may post test kami after the more or less eight-hour lecture, unang test for this year. Unannounced. At kahit announced, wala pa kaming books eh, next week pa 'ata dadating, so naturally, hindi lahat matino ang scores. Ano ba 'yan. Kakasabi ko pa lang sa sarili ko last week, "Nursing, bring it on!" at Bring It On nga ang nangyari. Ayoko naaa, sorry na, hindi na mauulit ang paghahamon HAHA.
Maawa naman sila. Wala pa kaming limang araw sa eskuwelahan. Dami agad assigned readings. If I know, biblio at case analysis na 'yan by next week. I heard 'yung ibang groups pasahan na ng biblio sa Monday eh!
Alam mo, nung high school ako, hindi ko akalaing kukuha ako ng narsing. Tapos nung freshman ako, lalong hindi ko akalaing matatagalan ko ang buhay oc-oc. No joke. Akala ko nga lilipat akong ibang school eh. I swear. Ready na ako nun na lumipat ng FEU, CEU, o kung saan man may Nursing, kasi ibig nga ng aking Ina na mag-nurse ako. Nagtanong-tanong na ako ng procedure for transfer nun. I was almost sure. Akalain mong third year na ako ngayon. Syempre tuwang-tuwa naman si Ina. Sana tuluy-tuloy na.
Friend, ano ba 'tong pinapasok mo sa'kin? :)) Tulungan mo ako Friend!
Random: Alam mo ba, I have this years-long fascination for orchids. Ta's malalaman kong ibig sabihin ng "orchi," "testis." Kasi kamukha daw ng testis ang orchids. Turnoff. Bad trip talaga.
terrorization,
college,
duty,
classmates,
hopes,
fears,
nursing,
rle,
pressure