Nagpaanak na AKO. :)

Jan 19, 2007 17:12


Last day na namin sa Esperanza Lying-In. Sa Sta. Mesa lang 'yun, kaya kahit papa'no ay thankful ako kasi laking tipid sa pamasahe. (I live in Sta. Mesa.) Next shift gastos galore na. Community eh. Syempre 'di mo maiwasan magdonate nang magdonate, kasi maaawa ka sa mga makikita mo sa community. At ngayong last day, nakakatuwa lang kasi nag ACTUAL delivery ako. HAHA. Exciting. Ako nauna sa group namin, walang gustong magvolunteer eh. HEHE. Yabang eh noh.

'Yung placenta na lalabas after nung bata, HAHA. Isipin mo na lang 'yung mechado mamaya na dinner mo. O kaya 'pag namalengke ka, 'yung malaking tipak ng karne 'dun. Ganung ganun. Pero hindi kasing lansa nun. Oo nga naman, fresh na fresh pa kasi 'yung 'karneng' nakahain sa'min this time. HEHE. Tapos hindi ko pa expected na ipapagawa sa'kin 'yung internal exam sa mga nanay na dapat 'yung classmate ko lang ang gagawa. Edi sunod lang ako basta. Pinasok ko 'yung buong kamay ko sa vaginal opening na pinalaki na ng medialateral episiotomy. (I know, lame attempt to downplay such a kinky statement, but hey, I'm talking about health care here!) Ang init sa loob. Saka comfy. Wala lang, weird. Bakit comfy?!

Anyway, 'yung CI namin this shift ay isa sa iilang hindi namin binigyan ng party sa lahat ng naging CI namin. We-eeell. Factor rin siguro kasi na hindi kami nakapagbonding nang husto dahil nga bihira lang ang mga kaso sa Esperanza. At, nakakainis. Wala lang. Na-appreciate ko tuloy lalo ngayon 'yung mga prof na okay lang sa kanila na paulit-ulit ang mga tanong. Minsan naman kasi, hindi naman nananadya ng pangungulit ang mga batang mahilig magtanong. Kaya nga may prof eh. Para sumagot sa mga tanong. Fine, kuha ko na since matanda na kami, kami ang dapat na magresearch ng mga sagot sa tanong namin... siguro nga dapat lang na makulitan 'yung mga prof ngayon. Pero wala lang, nami-miss ko lang talaga minsan 'yung mga taong ganun. 'Yung mga taong okay lang sa kanilang lapitan sila to ask for explanations, to clarify things, etc. Lalo na 'pag nakikita mong dapat resting time nila 'yun, pero go pa rin sila sa pagtulong. Dakila lang.

Natutuwa rin ako sa RLE ko nang sobra sobra. Ewan. Basta, gusto ko sila i-hug isa isa ngayon. Kahit 'yung pinakaayaw ko pa na tao sa RLE ko natatanggap ko na. Wala lang. Aaaw.

(Diana! Benta ka, pramis! Can't get over sila! HAHA!)

nursing, rle, you

Previous post Next post
Up