Dec 16, 2006 11:19
Kahapon, nag-Courtesy Call kami sa San Miguel Health Center(?). Nasanay kami na may van na kaming hired before hand, pero ngayon, walang van na naghihintay. Doble pan naman ang dami namin ngayon, may kasabay kaming ibang grupo. We were all under one instructor.
Eh di hanap sila ng jeep. Jeep na lang daw, to accommodate all twenty-one of us. Sumama pa nga yung friends ng ibang kasama sa group ko sa paghahanap ng jeep. Funny enough, yung mga taong natira pang naghihintay ang nakakita. Eh di yan. Sakay kay Mamang Driver.
Boring ang courtesy call. Bibigyan ka ng lecture at io-orient ka sa Manila Health Department. Wala namang quiz dun, kaya di na ako nakinig. Ang naalala ko lang ata si Baranda(?). Chair ata ng Mla. Health Dept.
Ayan na ayan na parating na si highlight. Alam ko boring, but do continue reading para masaya.
Nung pauwi na kami, hinarang kami ni Mamang Pulis. Kinuha ang lisensya ni Kawawang Manong Driver. Ang violation niya sa batas ng Pilipinas, Out-of-Line. I know, wala akong alam sa batas. Pero may batas ba talagang ganun, considering we've rented the jeepney for private use? Sobra naman. Ayaw padaan ni Mamang Pulis sa lagay. Bawal daw ang gumamit ng public utility jeepney for private use nang walang permit. Ewan ko ah, pero kasi yung angkan ko sa San Mateo laging ginagawa yun, pag namimili sila ng borloloy sa Divisoria eh. (Tapos uuwi silang overloaded ang jeep nang mga bagay na hindi borloloy, kahit sinabi nilang yun lang ang balak nilang bilhin. Mga sinungaling.) Haynako. Uminit ang ulo ko. Ayoko lang magpahalatang affected ako kasi magmumukha akong timang at ayokong magmukhang OA ang aking sympathy for Kawawang Mamang Driver. Pare, nakapandurugong Php6k ang multa nya. Pasko pa naman ngayon. Eh di sana pang Noche Buena nalang nila ng family niya ang 6k.
Tinulungan sya ng beinteng tao na magbayad para sa multa. (Hindi ako tumulong. Wala akong dalang pera kahapon.) Umabot ata ang pinag-ambagan nang lagpas sa isanlibo. Pero di pa rin kasya yun. Hay, sobra. Sobra naman ang timing ni Mamang Pulis. Kawawa naman si Kawawang Manong Driver.
chn,
people,
rle