Nov 30, 2006 00:38
May mga matatakaw na batang nawawalan bigla ng gana kumain.
May long-scheduled quizzes na di mo inaral, tapos naca-cancel.
Male-late ka tapos yung prof darating nang mas late pa sayo. O kaya absent pa!
May maiiwan kang importanteng gamit tapos biglang may mahihiraman ka agad agad.
May mga tahimik na gradually nagiging maingay.
May mga araw na magandang-maganda na pero sa huli malas lang pala lahat.
May mga araw na pinagsukluban na ng langit at lupa pero sa huli maaayus din.
May matatalinong nagtatanong ng stupid questions.
May mga seryosong taong natatawa sa mga wirdo mong hirit.
May mga di magkaka-close na biglang nagkakasundo at nagiging comportable.
May mga planong akala mo hindi mo trip pero sa huli natritripan mo rin.
May mga imposibleng (kahit alam mong imposible) sa isip mo kakayanin mo pa rin.
Maiisip mong imposible talaga. At mali talaga. At di talaga dapat.
May mababait tapos plastic lang pala sila.
May mga tahimik na nasa loob ang kulo.
May matataray na mababait naman pala.
May nakaka-appreciate pala ng mga simpleng bagay sa mundo.
Hindi basta-basta malimutan ang mga mababaw na bagay sa mundo.
Hindi pala mababaw ang mga bagay na yun sa mundo.
May mga bagay na pinaniwalaan mo na buong buhay mo pero mali pala.
Nasesenti ang mga taong masaya.
Maiisip mong mali at imposible pero gusto mo kaya gagawin mo at wala kang pakelam kung mali kasi gusto mo nga kasi.
people,
life,
you,
rantage,
nursing,
otg,
acads,
knt