Wala lang. Pumunta kami ni kLo sa STC kanina. Gusto lang namin mangamusta. Nakakaaliw naman si Manong, di na kinuha ang aming mga ID. Nakakatuwa kasi nakilala nya ko! Huwaw. (Sha yung manong na laging nagtatanong ng scores namin dati, haha!) Dire-diretso nalang kami.
Kinausap namin si Mrs. dela Cruz habang naghihintay kay Mrs. R. Wala lang, ganun pa rin sha. Actually, lahat sila, halos walang pinagbago! Aaaaaaaaw. Tumanda ng 2 years, pero ganun pa rin :D:D:D Nakakatawa si Mrs. R. Pino-poke yung bewang ko :)) bakit daw ang payat. Dahil po sa puyat yan :)) Tapos ang itim ko na daw! Taas-kilay nyang sinabing di nya kasi ako nakilala sa malayo :)) pati si Mrs. rdk di rin ako halos nakilala. Ang tagal kong nakatayo dun bago nya napagtantong ako yun :)) "Si Carrrrrrrrrrla pala yan!" Nakakatawa :)) Nakakaaliw rin si Sir Ben at ang kanyang forever greeting na Ms. Mendoza. Carla na lang po! Haha! Feeling close eh noh.
Bertdey nga pala ni Sir Viloria ngayong araw. Huwalalang.
Panahon ng dance prod ngayon, at shempre maraming nagpapractice.
Note: kLo, click mo yung photos natin para lumaki ;)
Hay STC. Na-miss ko!
Pagkakain namin ni kLo, umupo kami kasama nila Mrs. R sa stage, kasama yung ibang faculty. Nandun din si Kalaw kasama ni Ms. Macaraeg, nakakatawa, naka-uniform pa. Nagtest kasi sila for CWTS. Nagtaka ako, wala na kasi kameng pasok. Tapos ang daming kwento. Hay. Waaaaaaaaa hs!
Kumain kami ulit ni kLo, tapos sinundo ko na si KC sa Stella, at ako ay umuwi na :D:D
PS, nakuha ko na pala grades ko. Uno PE!!! Lahat kami uno sa PE! Ang saya! Highest PE, lowest MP. Tres ako sa MP, pero wala akong pakelam! Ang average ko malamang-lamang dos++, mentally ko lang kinompyut eh. Basta pasado! Capping! Here we come!!! Yehey capping!!!