Jan 29, 2009 19:22
Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka, ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang 'pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.
Ganyan taglaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa suman-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.
Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sa'yo eh, kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.