Tulad ng isang commuter na Juana, ako ay sumasakay ng LRT araw-araw. Papasok ng trabaho, papunta sa gimikan, pauwi, etc. Kadalasan sa area ako ng babae sumasakay. Alam niyo na, para "safe"-kuno at sa tingin ko, maraming babae ang maga-agree sa akin sa observation ko na to:
MINSAN TALAGA MAS GARAPAL AT BALASUBAS PA MGA BABAE KESA SA MGA LALAKI PAG NASA LRT.
Kaya may mga babae na mas gusto sumakay sa unisex area kasi doon kahit papano di sila naha-hassle (shempre di naman sa lahat ng panahon). May mago-offer sa ‘yo ng seat, minsan didistansya sila kasi ayaw nila maisip mo na minamanyak ka nila. Pero di rin maiiwasan na sadyang may mga g@g0 at mapagsamantala sa area na yun.
Sa area ng babae (again, may instances lang naman) dedma sila kung naha-harass ka. Minsan sila pa galit pag ikaw nape-perhuwisyo. Makanti mo lang accidentally, titingnan ka ng masama or magco-comment ng “ano ba naman yan”. Minsan din, may mga babae na di ko alam kung kulang sa edukasyon or sadyang manhid lang lalo na kung may nakikita silang matanda o buntis. Aba. Dedma sila kung nakatayo yung matanda sa harap nila. Minsan comment pa nila na “dapat nasa first cart sila”. Pano naman sila pupunta dun kung sa first cart puno na ng mga bata at “not so senior” na babae? May mga babae din naman na tinalo pa ang megaphone sa lakas ng boses pag nakikipag-kwentuhan. Take note, katapat lang nya kausap nya. Shempre, meron din namang mga babaeng commuters na saludo talaga ako. Sa susunod na post ko na lang yun i-share pag sinipag pa akong magsulat.
Kaya ko ginawa itong post na ito ay para mabigyan ng "wake up call" ang mga babaeng commuters na mejo nakakalimot na sa tamang asal habang nasa tren. Well, mainly it’s some sort of a rant but at the same time, it’s purely COMMON SENSE etiquette when riding the LRT. Baka kasi may mga kabaro tayo na “nakalimot” lang kasi pumupungas-pungas pa tuwing umaga or sadyang “pagod” lang sa work or sa gimik. Hindi ako nagmamarunong or nagmamagaling. Gusto ko lang i-share thoughts ko as a fellow female commuter. Anywayz, tapos na ang mahaba kong into =P Ang post po na ito ay base lamang po sa aking sariling opinion at obeservations.
Let’s get to business!
Pag ikaw ay nasa female only cart:
Pag may nakita kang buntis o matanda, paupuin mo naman. Seriously, kelangan ko pa ba i-explain ito? Kahit sa tingin mo hindi nahihirapan si lola/lolo/soon-to-be-mom, sana may decency ka na paupuin sila since kaya mo naman tumayo. Unless may iniinda kang physical and/or health issues, excused ka sa item na ito pero pag nagmamaganda ka lang, aba. Mahiya ka naman.
Awat minsan sa volume ng boses pag nakikipagkwentuhan. Isa sa masayang part ng byahe ay yung may kasama ka at may kabiruan, kakwentuhan. Masaya minsan makipagkwentuhan ng walang sense. Pantanggal stress. Pero kung ang boses mo naman ay mala-megaphone sa lakas, ibang usapan na yun. Hindi lahat gusto malaman kung pano kayo nag-away ng BF mo. Hindi lahat naiintindihan inside jokes nyong magkaibigan. At pinaka importante, hindi lahat gusto ma-spoil ang susunod na panonoorin nilang movie. Pero minsan, nakakatuwa rin if may marinig kang funny stories and “quotable quotes”.
Pag siksikan sa LRT, pakibaba naman po ng mga bags lalo na kung ito ay nakasukbit sa balikat mo. Keber kung shoulder bag o backpack yan. Ano ba naman ate? Baka di ka aware na yung space na nao-occupy ng bag mo ay para na rin sa isang tao. Pan-isahan lang naman binayaran mong ticket di b? Hindi naman ata hassle na hawakan mo muna yung bag mo sa kamay mo at ibaba mo muna di ba?
Kung siksikan sa train at malayo ka sa “safety handles” wag naman po natin piliting i-abot yung handle. Minsan kasi ayaw ng ibang babae na makipagsiksikan sa kili-kili mo. Minsan, hindi rin lahat ng babae ay flexible at contortionist ang side-line. Isipin nyo naman yung kalagayan nung iiwas sa braso mo. Try mo makiusap sa katabi mo if pwede sa kanya ka na lang humawak (balikat or braso, ok? Wag abusado! Hahaha!) Malay mo, magkaroon ka ng new friend =P
Pag may nag-“Excuse Me” at bukas ang pinto ng train, malamang sa malamang lalabas yung taong yun. Pag ikaw ay nasa tapat ng pinto, please naman baka pwede bumaba ka ng saglit para makababa yung mga bababa. Hindi naman basta-basta sasara yung pinto ng train at if ever marinig mo yung warning buzzer at hindi pa tapos bumaba lahat, sigaw ka lang ng “WAIT KUYA! MAY BUMABABA PA!” maririnig ka naman ng guard kahit papano since malapit naman female area sa guard stand. Pero bilisan mo rin pagakyat mo at wag ka magpapasingit ng abusado. Baka ikaw naman maiwan. Sa mga natabig naman habang may bababa, konting pasensya naman. Siksikan nga eh. Pero kung ikaw at nasa tapat ng pinto at tinabig ka, ibang usapan na yun. Try mong lumabas ng saglit. Tingnan mo, di ka matatabig. Pasasalamatan ka pa! Di ba amazing?!
Bago magalit, alamin muna kung may “K” kang magalit. Ikaw rin, baka ikaw mapahiya. Na-experience ko na yung bababa na ako then nag-excuse me ako ng ilang beses tapos ayaw gumalaw nung tao sa harap ko. Alam kong naririnig nya ako dahil hindi sha naka-earphones or headset. Sorry na lang at pinagsiksikan ko sarili ko (liit ko pa naman. Hahahaha!) para makalabas. Nag-comment sha ng “Ano ba!” sabay ismid. E di sumagot lola mo ng “kung bumaba po kayo ng saglit, di po kayo natulak”. Tumawa yung mga kasama kong bumababa. Nage-explika lang po. Pasensya na po sa mga nakaharang. Nahiya naman ako sa inyo *eyeroll here*
Sa mga nagha-high ponytail or high-bun, wag naman po sana magulo ulo nyo pag nasa train. Hindi po lahat gusto makiliti ang ilong sa ponytail nyo. Di rin po lahat kumakain ng buhok kaya iniiwasan po namin hair nyo. Lolz!
Ito, for some reason di ko talga matanto bakit ganito ugali ng ibang commuters. Pag may dumating pong skip/escape train, wag naman magtulakan papasok. Naman ate… Wala ngang tao sa loob eh. And luwang oh... Makakapasok ka rin. Pwede ka pang tumambling. Kalma lang. on the other hand, yung iba rin naman, pag papasok ng train, mejo bilisan naman natin maglakad. Hindi ito fashion show. Actually, mas mabilis pa nga ata maglakad yung mga nasa catwalk kesa sa inyo. Hindi po ba maaari na normal lang ang paglakad at pagpasok natin sa loob ng tren?
Commuter din ang mga kasabay mo, hindi pader. Aminin. May mga times na may nakakasabay ka na akala ata ay pader ka. Kung hindi man pader, sofa. Yung tipong wagas kung makasandal. Ikaw nagba-balance at sha naman naka-sandal sa yo para di sha malaglag. Sa mga nasandalan, try niyo biglaang gumalaw habang nakasandal sha. Winner ang expression nyan. Hehehe
Utang na loob… WAG MAG-STILETTO SA TRAIN! Jusko Lord hinding-hindi ko makakalimutan yung experience ko na siksikan tapos natapakan ako ni ate na bongga ang stiletto. Dun lang ako nakapagmura ng mas crunchy pa sa bagong chicharon and pringles combined. Di rin ako makalakad ng maayos for almost a week.
As girls, minsan ‘di naman natin maiwasan na sumakay sa ‘unisex’ area. Alam mo yung scenario na tumatakbo ka papasok ng train habang naririnig mo yung warning buzzer? Yung tipong parang action star dating mo sa paghabol bago magsara ang pinto. Usually di ba yung pinakamalapit na area is yung pan-unisex? So, eventually dun ka sasakay. Sa totoo lang, sa experience ko, mas comfortable sumakay dun especially kung babae ka kasi kahit papano may mga “gentleman” pa rin naman sa mga lalaki. Pero, at the same time, mejo nakakahiya din for me kasi tayo pwede sa area ng guys pero sila restricted sa area ng girls (unless, of course, kung LRT official ka or senior citizen).
Kapag ikaw ay nasa ‘unisex’ area tandaan:
Protektahan ang dapat protektahan. Hindi naman natin masasabi kung sino ang mga walang hiya sa hindi so dapat i-protect mo dapat i-protect. Kung pinoprotektahan mo sarili mo at na-harass ka pa rin, magsumbong sa kinauukulan. Pero kung hindi ka man lang sumubok, well, malas mo.
Isa ito sa pinakaimportanteng observation ko sa LRT/MRT. Hindi porke’t babae ka e RESPONSIBILITY ng mga lalaki na paupuin ka. Aba, nahirapan din silang pumila, sumiksik at nakipagsiksikan noh. Pareho lang kayo na may binayarang fare. If meron nag-offer ng seat nya sa yo, magpasalamat ka ng maayos. Yung naririnig. Hindi pabulong. If hindi naman i-offer say o seat mo, aba wag ka magalit at lalong wag kang magparinig na hindi sila gentleman. Bakit? (1) May sariling area sa LRT na pam-babae. Dapat andun ka. In short, nakikisakay ka lang. (2) Hindi ka naman buntis, matanda o may kapansanan. Bawal maging feelingera. Lolz!
So… Ayun! Again, lahat ito ay base lamang sa akin sariling opinion at observations. Sa mga umabot sa parteng ito ng post ko, salamat sa pagbabasa =) Apir!