Dahil bored ako...

May 13, 2009 23:13

... at na-miss ko kayo!!! ._. Meme muna tayo!

Dating gawi, mga kaibigan... cut and paste lang sa comments ang mga sagot niyo. ^^

ISANG NAPAKA-RANDOM NA SURVEYRead more... )

lovely's memes

Leave a comment

matarayako May 14 2009, 02:55:33 UTC
ISANG NAPAKA-RANDOM NA SURVEY

^ Ano ang nasa isip mo ngayon?
Marami, pero una na dun ang kung ano'ng iluluto ko for lunch. ._.

^ Sino ang nasa isip mo ngayon?
Si Cookie (may sakit siya e, nasa vet muna. ;_;)

^ May gagawin ka ba mamaya?
May gown-fitting para sa kasal ng friend ko.

^ Kung hindi ikaw ang sarili mo ngayon, sino ka?
Uhm. Some kind of a supermodel. Chos. :P

^ Anu-ano ang nickname mo?
Issa (sina Mama at Papa ang tumatawag sa akin nito), Lala, Bulalay, Lovely, Love (si Seph lang puwede tumawag nito sa akin)

^ Nickname na pinaka-ayaw mong tinatawag ka?
Bulalay

^ Bagay na dala-dala mo araw-araw at hindi ka mabubuhay ng wala yon?
Cellphone ko, I guess.

^ Taong lagi mong kasama?
Si Seph. ♥

^ Ano ang palagi mong ginagawa after school?
'Di pa ako bumabalik uli ng school eh.

^ Kung masa-stuck ka sa isang isla ng isang linggo, sino ang gusto mong makasama at bakit?
Si Seph, siyempre. ^^ At tinatanong pa ba kung bakit?

^ Kung magiging anime character ka, sino ang gusto mo?
'Di ako masyado nanonood ng anime... pero siguro si Shidou Hikaru ng Magic Knight Rayearth na lang... dahil ang taray niya sa red hair! ^^

^ Mamili ka... Iiwan mo ang taong mahal mo, at single ka na lang habambuhay pero marami kang pera, o kasama mo ang taong mahal mo pero magdarahop kayo habambuhay?
Ayokong iwan ang taong mahal ko, period.

^ Isang awiting nagre-reflect sa kung ano ang nararamdaman mo ngayon?
Halo - Beyonce

^ Unang pumapasok sa isip mo pagkagising ng umaga?
Ang sarap gumising. ^^ Yun lang.

^ Bagay na natanggap mo na kinilig ka?
Sa sobrang babaw ko, mauubos ang oras ko sa kaka-enumerate ng mga bagay na kinakiligan ko. :P

^ Natawag ka na bang nerd?
Noong grade school, kasi naka-salamin ako.

^ Nagmamadali ka ba ngayon?
Hindi naman.

^ Kung aalis ka at hindi ka na babalik ng Pilipinas kahit kailan, san ka pupunta?
Gusto ko sa Paris. ^^

^ Ano ang favorite mong song?
Marami eh. ._.

^ Meron ka bang special someone?
Meron. ♥

^ Gusto ka ba niya?
Mahal niya ako. ♥

^ Any words na gusto mong sabihin sa kaniya?
Sa 'min na lang yun. :P

^ Alam mo kung asan siya ngayon?
Andito sa tabi ko.

^ Pano mo siya nakilala?
Sa comm. :P

^ Ano favorite mong color?
RED!

^ Anong kind ng music ang gusto mo?
Love songs tsaka dance songs.

^ Bakit?
Kasi lagi akong in-love... at mahilig akong sumayaw.

^ Ano gusto mo gawin ngayon?
Secret. :P

^ Describe yourself...
Mabait (most of the time), magaling magluto, jologs, sentimental, makulit :P

^ Gusto mong panoorin na movie ngayon?
X-Men Origins.

^ Aalis ka ba ngayon?
Mamaya pang hapon.

^ Anong ginawa mo kanina?
Gumising na katabi si Seph at naghilamos, kumain ng almusal.

^ Eh kahapon?
Dinala si Cookie sa vet. ;_;

Reply


Leave a comment

Up