Pangalan ng muse: Eleandre Basiño Buendia
Tunay na nasyonalidad: Pinoy
Banda/grupo ('wala' kung solo): Pupil / Eraserheads
LJ ng muse:
super_pr0xySN ng muse: pintongsalamin
Ano ang hanapbuhay/kurso ng muse mo? (paki-banggit na rin kung saan): Humanities professor sa UP Diliman, may Doctorate sa Comparative Literature, vocalist at songwriter ng isang banda na tumutugtog sa isang bar malapit sa UP campus.
Ano'ng uri ng tao ang muse mo? (jologs, kikay, coño, nerd, trying-hard, tambay, etc.): Matalinong tao na walang malinaw na aspirasyon sa buhay. Di niya talaga ginusto maging professor, pero no choice kasi wala na siyang ibang gusto gawin at kailangan din niya ng steady income. Nagbuo ng banda para lang matugtog ang mga kantang sinulat niya. Di niya ninanais na sumikat. Medyo seryoso sa unang tingin, pero may pagka-pilosopo at mapang-gago.