Oct 08, 2008 21:21
Juan Pangutangan Ordoveza (Married to Maria Villasenor)
Nagsimula ang kasaysayan ng angkan ng mga Ordoveza ng taong 1692. Si Kapitan Antonio Pangutangan ay isang lalaking mayaman, makapangyarihan at ginagalang kahit ng mga tulisan. Iniibig siya ng lahat sapagka’t siya’y maawain at mapagkawang-gawa lubha pa sa mga mahihirap at dukha.
Galing ang kanyang yaman sa niyugan, palayan at mga bahay na nasasakupan ng mga bayan ng Lumbang, Luisiana, Majayjay, Magdalena at Pagsanjan, lalawigan ng Laguna. Sapagka’t siya’y may salapi, siya’y utangan o hiraman ng mga nangangailangan at ditto nagsimula na siya’y taguriang Kapitan Antonio Pangutangan. Nang taong 1710 ang mga Kastila na nananakop sa atin ay nahihirapan sa pagtunton nang mga apelyidong tagalong, kaya nagkaroon nang isang batas o decreto na magsisipagpalit ang apelyidong Kastila. Napili ang apelyidong Ordoveza kaya doon nagsimula ang Kapitan Antonio Ordoveza y Pangutangan. Walang nasasabi tungkol sa kanyang asawa.
Sa kalakihan ng kaniyang ari-arian ay siya’y kumuha nang isang tagapangasiwa. Sa katagalan, ito’y hindi naging tapat na loob sa kanyang paglilingkod. Nang panahong yaon, palibhasa;y walang taga-sukat nang lupa o agrimensor, kaya’t sa kanyang pag-iimbot, nalinlang niyang ipagbili ang isang parselang lupa nang kanyang amo sa kanyang amo rin na lingid sa kaalaman ng may ari (kanya ring amo) hanggang sa masiwalat ang katotohanan at siyang naging wakas nang kanyang pagdaraya hanggang siya’y mapalayas.
Mula noon, si Kapitan Antonio Pangutangan ay nagtayo ng isang alakan sa Magdalena at umunlad; nagtayo rin siya nang mga kamarin at doon niya inilagak ang daan daang tapayang tinggalan ng alak. Siya lamang ang tanging may konsesiyon sa gobierno ng alak nang mga panahong iyon. Dinadala itong nakasilid sa mga damahuana at isinasakay sa kabayo upang dalhin sa Pagsanjan. Nang minsan siya’y nagdadala ng alak ay inabot ng hating gabi. Dito siya hinarang ng mga tulisan at hindi siya nakilala na siya pala ang Kapitang Antonio. Pinababa siya sa kabayo at kinuha ang lahat niyang salapi, at saka pa lang nakilala na siya ang Kapitang Antonio na nagpapakain at tumutulong sa kanila kung sila ay nagigipit. Dito sila humingi ng tawad at isinauli ang kanilang nakuhang salapi.
Guillermo Eleazar (Married to Maria Lagdameo)
Noong Disyembre 27, 1977, bisa ng Presidential Decree 1273, pinalitan ang pangalan ng Tagkawayan School of Fisheries sa Tagkawayan Quezon at binansagan itong Judge Guillermo Eleazar School of Fisheries. Pinalitan ang pangalan nito dahil ang lupang pinagkakatayuan ng paaralan ay ibinahagi lamang ni Judge Guillermo Eleazar. Ipinatayo ang paaralan noong June 19, 1965, bisa ng Republic Act 4290.
Maraming lupain ang Hukom Guillermo Eleazar. Siya’y kilalang pilantropiko at nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tagkawayan at iba pang kalapit na mga probinsya. Kilala siya’t makapangyarihan at marami siyang natulungan sa Tagkawayan.
Nagkaroon siya ng siyam na anak. Panganay si Roberto Eleazar.
Roberto Eleazar (Married to Gaudiosa Parone)
Si Roberto Eleazar ay ang panganay na anak ni Hukom Guillermo Eleazar. Siya ang nagsilbing tagapamahala ng mga lupain at iba pang kalakalin ng kanyang ama.
Nanilbihan siya noong ikalawang digmaang pandaigdig bilang isang opisyal sa Philippine Army. Siya’y pinuno ng kaniyang platoon na ipinadala sa iba’t ibang parte ng Pilipinas noong panahong iyon. Pagkatapos ng giyera, tinanggap ng Amerika ang kaniyang pahayag bilang pinuno ng platoon upang kilalanin ang kaniyang mga sundalo bilang mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kilalaning mga bayani. Ngunit noong siya na mismo ang humingi ng pagkilala, ito’y itinanggi sa kaniya. Hindi niya ito dinibdib at hinayaan na lamang ang kaniyang mga sundalo na manirahan sa Amerika kahit siya ay hindi kinilala bilang beterano ng digmaan.
Noong mamatay ang kaniyang ama, si Guillermo Eleazar, ay inasikaso niya ang mga kalakal nito sa iba’t ibang mga baranggay at munisipio. Pagbalik niya sa Tagkawayan, napaghatihatian na ng kaniyang mga kapatid ang mga lupain at kalakal kahit walang naipakitang huling bilin ng kanilang ama. Ang libo-libong hektarya ng lupain at napunta sa kaniyang mga kapatid habang siya’y nakatanggap lamang ng sampung hektarya. Dahil sa kaniyang kabaitan, hindi na siya nagpursiging ipaglaban pa ang hindi makatarungang pagkakahati-hati ng mga lupain. Hinayaan na niya ang kaniyang mga kapatid na makakuha ng mga lupa’t kalakal na siya ang nagpatakbo.
Nitong mga nakaraang taon ay nakahanap ang isang kamag-anak ko ng titolo sa Gumaca, Quezon, na nakapangalan kay Roberto Eleazar ang ibang lupain na inangkin ng kaniyang mga kapatid.
Naunang namatay si Gaudiosa Parone at si Roberto Eleazar ay namuhay sa bahay na ipinagawa para sa kaniya ng kaniyang mga anak hanggang siya’y namatay noong 2002.
---------------------------------------
Just like the title says, a little bit of family history. This'll be for my PI 100 finals tomorrow. All I have to do is remember all of this and speak for around seven minutes and I think I'll get a good mark for the subject.
Rawr. Taken from the intarwebz, interviews with surviving relatives and Kasaysayan ng Angkan ng Ordoveza by Carling Eleazar-Unson (1976).
Just to keep things clear...
Antonio Pangutangan Ordoveza m. Maria Villasenor
--> Teresa Ordoveza m. Victor Eleazar
-----> Guillermo Eleazar m. Maria Lagdameo
----------> Roberto Eleazar m. Gaudiosa Parone
---------------> Luis Eleazar m. Floradema Calanasan
-------------------> Erik Eleazar
history,
school,
family