[21]

Jan 02, 2009 21:57


Manigong new year senyong lahat. Sana masaya ang 2009. :)

Dito naki new year's eve si Prof kasi hindi nakauwi yung family nya galing Baguio. >_< Mas simple ang media noche kesa noche buena syempre, kasi ang focus naman talaga ay manood ng paputok sa labas. Fountain, kwitis, lusis - tas yung mga kabarkada ko nung bata ako nagpaputok ng dalawang magkasunod na sinturon ni hudas, haha. Kaso umulan nung mga mag-1 na, nabitin ang kasiyahan. Nakipag videoke na lang ako sa kapitbahay (sinama ko si Prof, pinakitaan niya silang lahat hahaha), may kasamang barbecue tsaka hotdog pa. :DDDDD

Tapos kagabi pumunta kami sa Manila, sa bahay nila Tito Rene. Andun din sina Lolo at Lola nag New Year (well, duh, halos magkakapitbahay naman sila dun eh), tapos kaya pala nagpupumilit na pumunta kami dun kasi umuwi sila Tita Marie galing Canada. Surprise eklat pa, haha. Nung umalis sila mga ten years ago, bata pa ko, tapos baby pa lang si Nina - obviously batang malaki na ngayon, haha. Onting chika, etc. Yun lang.



PRIVATE

Naguiguilty ako. :|

bagong taon bagong buhay, buhay sa bahay, alien elian

Previous post Next post
Up