Kakababa lang ng phone ni Mark. Tumawag na naman siya, mas maayos naman yung usapan ngayon, haha. Ayos na daw sila ni Diane, pero hindi ko na tinanong kung alam ba ni Diane na kinakausap niya ulit ako, baka magbagsakan na naman kami ng phone. Tinanong ko na lang siya tungkol sayo, Jok. ;PAko: Sabi ni Jok2x bakit ako lang daw tinawagan mo, bakit hindi siya.
Mark: Jok2x?
A: Hahaha, si Tupe.
M: Ahaha, Jok2x na ba siya ngayon?
A: Oo, mas babae na sakin yun. Pero kayang kaya ka pa rin nyang iuntog sa muscles nya gaya ng dati. :p
M: Ganon ba? Kita-kita naman tayong tatlo minsan. For old times' sake, haha.
Sabi ko tatanungin ko si Jok2x. Napaguusap kami ni Jok recently tungkol sa high school. Nakakamiss din. Although sa totoo lang feeling ko medyo magiging weird - parang imposible na maging tulad ng dati. Ang weird din, nung unti-unting nag-outnga pala si Jok (at nagtransform mula Topher to Jok LOL), yun na nga pala yung padalang nang padalang syang sumasama samin dahil kay Diane. ;_;
LOL KATRINA ANG DRAMA.
Anyway. Bukas. Concert ng The Poors, pupunta ko kasama ni Prof. 'Yun excited talaga ako. :D:D:D:D
✿
PRIVATE
Mas maayos nga yung usapan pero medyo ang awkward. At least sa part ko. Si Jok2x kasi, inamin sakin na all this time alam pala niya na may gusto ako sa kaniya non, wala lang syang sinasabi. Tapos ewan, ang sore topic pa rin talaga ni Diane. Lalo na, ever since inamin ni Jok, kaya din siya in the end umiwas kasi nga alam pala niya yung tungkol sakin. I mean all this time akala ko bumigay lang sya sa malandi nyang girlfriend na may unreasonable demands, pero nung sinabi ni Jok yun, sabi ko yun actually yung mas masakit - ano'ng feeling niya rerape-in ko siya pagpipilitan ko sarili ko sa kaniya? Walang hiya naman, by that time ilag taon na kaming magkakabarkada, he should have known me better. Alam ko naman na si Diane ang gusto niya nun 'no, as if eepal pa ko.
Ano ba 'yan, medyo nakapag-usap na nga kami ng matino, inaalala ko 'to naiirita na naman ako. Kasi naman tawag tawag pa, asus. ;_;
✿
SHET. FIVE DAYS BEFORE CHRISTMAS, DI PA KO TAPOS SA CHRISTMAS SHOPPING PALA. Sino'ng gustong samahan ako? Hindi ako magaling sa shopping at pagpili ng regalo, lalo pag Pasko. >_<