Andito ngayon si Mimi and Jok2x, wala kasi akong kasamang iba. Asa hospital pa rin si Mama at Papa so ininvite ko sila para hindi naman ako mag-isa. I'm really glad they're here, just their presence makes me feel a lot better, especially since medyo bad trip ako earlier. (Joseph sorry nag-snap ako sayo ah, shouldn't have. ^^;) Nagdala si Jok2x ng cake, tinitira ko pa rin kahit alas tres y media na ng umaga. Masarap eh, bakit ba?
At least medyo umayos na yung mood ko ngayon. Tulog na si Mi at Jok, pero pag mabasa niyo to: ILU♥ Pasensya na sa minsang kagagahan ko, minsan ganito talaga eh. ^^;
✿
PRIVATE
Faithless ba kung may nangyayaring ganito nagdadoubt ako kung may patutunguhan ba 'to? Actually, pano ba magiging faithless kung hindi naman nga pala kami to begin with. ;_; Hindi ko alam kung tama bang nainis ako, pero feeling ko naman may point ako. Ano yun ultimatum? Puta pumunta siya ng Amsterdam kung gusto niya, wag kung ayaw. Wag niyang ikakabit sakin yung desisyon niya kasi wala naman akong say dun no.
Nakakainis rin na hindi niya gets bakit ako nainis. ALAM KO PUTA MALABO, HINDI KO RIN AKO GETS. HINDI KO ALAM BAKIT AKO NAGKAKAGANITO. Pero ewan, feeling ko naman kung magiging kami, siguro naman kahit pano dapat may sense of understanding kami sa isa't isa. Eh sa ganitong lagay hindi ko maintindihan yung leche niyang utak, hindi rin niya ko maintindihan - ano mangyayari samin?
ANG GULO GULO. Minsan feeling ko nagkakaprogress na, biglang may mga ganito. Tangina, nag-aapply yata samin yung 'one step forward, two steps back.' HINDI KO NA ALAM. HINDI KO ALAM ANONG GUSTO KO, HINDI KO ALAM ANONG GUSTO NIYA, HINDI KO ALAM ANONG MANGYAYARI.
okay sinungaling ako. alam ko anong gusto ko - gusto ko talaga siya, hindi ko lang alam ano mangyayari samin kung palagi kaming ganito. alam ko gusto ko siyang kausapin, hindi ko lang alam anong sasabihin ko kasi alam ko rin na hindi ako magsosori. walang hiya, wala akong maling ginawa. diba? ;_;