Nandito ako ngayon sa bahay ni del Rosario (oo, wala na ako sa SG --- pasensya na sa mga nasabihan ko na nandun pa ako ha... tinataguan ko pa kasi si Inay at Itay nag-iingat lang mga tsong, hehe) at matagal na pala nilang pinapaupa ang mga bakanteng kwarto dito sayang, sana nalaman ko na ito noon pa at hindi na ako nagtiyaga dun sa mga paupahan sa Recto :P... okay naman yung mga kasama kong boarders at sobrang astig pa rin sina Lola at Manang. Grabe, feel at home talaga ako dito sa bahay niyo, Pareng Gelogz. HEHE. :D
...
Taena. Yung mga boarders ni del Rosario, putcha, lahat ata may sayad. >_> Yung batang amoy burong letsugas, tae, walang ginawa kung hindi mag-inarte (naaawa tuloy ako kay Manang kasi lagi na lang siyang ginagambala nung Korikong na yon) tapos yung kasama niyang krung-krung na nanalo raw sa Starstruck nung nakaraang taon (nga ba yon?), ganun din tapos lagi pa nilang hinahanap si "Angel Vincent" nila... tinanong ko sa kanila kung sino yung Vincent pero, putangina, ang gulo nilang kausap. Sino/ano ba yun? Imaginary friend nila??? :P Tapos, eto pa, PUTANGINAAAAAAAAA yung pumoporma sa Abby ko noon, dito rin nangungupahan FSDFSGDHFJGKL;GHJ! Kung hindi lang ako napigilan ni del Rosario, taena, malamang sinaksakan ko na yun ng kutsara fdgshdjskdlkl putangina kumukulo talaga dugo ko 'pag nakikita ko yun... DDD< pero sabi ni del Rosario may iba na raw pinopormahan yang kampon ng kadiliman na yan kaya, sige, di ko na siya papansinin (pero, putangina, kapag nalaman kong si Abby ko pa rin ang pinopormahan ng emong na yan, malalagot na talaga yan sa akin potah!). >_>
Ayun, tapos na yata ni del Rosario yung sulat para sa syota niyang maganda raw ang legs at ginagawa akong parang proof reader ng mokong kaya sige, dito na nagtatapos ang aking debut entry lololz. :P