May 26, 2009 16:57
Pag may lakad ako, kailangan palagi siyang kasama. Pero pag siya naman yung may pupuntahan, ni hindi ko nalalaman. Ang unfair naman talaga ng life noh..?
------
Anyway. Nahanap ko yung luma kong journal. October 2006 pa pala yung last entry ko and about pa sa debut. Tagal na. Hehe. Tas biglang napasulat uli ako and gusto ko ulit i-maintain. Kaso, feeling ko hindi ko rin magagawa. Haha. Busy-busihan na naman e. Grabe, parang ang lost ko na. Ang dami ko pang gustong gawing kung ano-ano kaso malapit na ulit magpasukan. Huhu. Reg period na ulit next week tas tuloy-tuloy na. Nagsisimula palang yung 'bakasyon' tas tapos na ulit. Parang di pa ko ready. Haha. Lagi naman.