Feb 27, 2009 23:03
Sobrang halo-halo lang to. Sorry naman. Friday ngayon at gaya ng napag-usapan namin ni Hazel kanina, pag Friday, wag muna mag-isip. Pahinga muna. Hahahaha.
1. Tagal na akong di nakapost. Parang lagi kasi akong pagod or inaantok. Nakakapagod tong sem na to. Although 17 units lang naman ako at maluwag ang sked ko, puyat pa rin ako. Hayyy konti nalang summer na.
2. Nag-uumpisa na namang tumambak ang mga requirements at exams. I seriously need to study and start doing my papers
and homeworks. Grabe, ang daming lakad or opportunities to go out na nasasayang. Bukas nagyayaya pinsan ko na mag-Embassy. Parang gusto ko pero alam kong dapat sa bahay nalang ako. Haha. Unang-una, wala akong pera (lagi naman, haha). Ipapa-guestlist naman kami pero syempre kailangan may extra money ka. At mapupuyat na naman, e baptism ng pamangkin/inaanak ko sa sunday morning. Good luck naman. Most of all, kailangan ko nang simulan ang paper ko sa Geol dahil magbibigay yata ng bonggang-bonggang bonus kapag nagpasa ka. Kailangan ko na rin i-finalize ang survey ng group namin (thanks nga pala sa mga sumagot :)) para mabawasan naman ang mga gagawin at hindi na ako magpuyat ulit. Haaay. Pero gusto ko sumama. Ahahaha
3. May probset na namang due kanina. STRESS. Pero the good thing lang about deadlines ay nagsasama-sama ang mga tao at nagbo-bonding sa pagsagot. Haha. Mas marami akong nakakausap na batchmates dahil dito.
4. Tinatamad na akong mag-tutor! :( Kasi naman, sobrang lugi ako sa pamasahe. Ang baba pa sooooooobra ng sweldo. Kailangan nang humanap ng ibang pagkakakitaan. Siguro mga 2-3 sessions nalang naman ang bubunuin ko dahil patapos na ang school year. Buti nalang talaga, friends kami nung tinuturuan ko sa nakapag-eenjoy pa rin kahit konti.
5. Pupuntang Ilocos sina Jasper ngayon dahil field trip nila sa Hum. Naiinggit ako. Gusto ko rin mag-out of town. Yung field trip naman kasi namin sa Geol, sa Rizal lang. Tapos next week, pwede raw kami sumama sa Zambales dahil i-aadmit sa PMMA yung pinsan ko. Natuwa pa naman ako kasi bihira lang kaming isama ni Papa sa mga ganung lakad. KASO, MAY EXAM PALA AKO NUN! :( Wah. Na-excite pa naman ako. Di rin pwede sumunod nalang dahil may exam ng saturday then monday, paper sa tuesday, paper at exam sa friday, at exam ulit the next saturday. Kamusta naman. Ayaw talaga ng stars. Oh well. Sana before mag-summer classes magkaroon ng kahit isang outing/overnight/nightout.
6. Congrats nga pala sa mga bagong ChE reps- Duane at Jhud! :)