21 Days of Resty

Jul 21, 2009 07:34

Hayy.. ang sarap maging ina. Yun yun eh. Totoo talaga yung sinasabi nila. Lahat ng mga pinagdaanan ko nung buntis ako, at sa panganganak, balewala na yun ngayong nakikita ko na ang anak ko. Kahit na tulog, dodo, tulog, dodo lang ngayon si Resty, nakakatuwa pa rin sya. Wala na akong ginawa kundi titigan sya. Ang mga pag-hikab, pag-iyak, pag-ngiti, pag-unat, pag-sinok, pag-bahing... ang sarap lang pagmasdan.

Minsan tinitignan ko silang mag-ama habang tulog. Carbon-copies talaga. Nakaka-senti tuloy. Parang kelan lang, isang malaking issue samin ni Robert ang pagpapamilya. Sabi pa ni Robert, di nya talaga akalaing magkaka-anak pa siya. Naiimagine nga raw nya, kami yung tipong couple na pa-gig-gigs na lang, or patravel-travel. Pero ngayon, grabe, may isang bagong tao na sa mundo! Ang cute-cute pa! Isa na talaga kaming pamilya. Nakaka-overwhelm!




Ano na nga ba ang nangyari sakin simula ng pinanganak si Resty? Well, pumayat na ko ng konti. Nung buntis ako, total weight gain ko is 53.5 lbs. After ko manganak, nagtimbang ako at 12 lbs lang ang nabawas sakin! Goodluck diba?! Puro taba pala ako. Kala ko dahil sa baby and sa water. Sa ngayon, 1 cup of rice na lang ako at hanggat maaari, gulay and fish lang ako. Grabe diba, who would've thought na magdi-diet ako?! Pag siguro magaling na magaling na ako, magtetennis na ko ulit. Kelangan mawala ang bilbil sa tyan! As for my stretchmarks... ano bang pwedeng gawin dito? Tatablan ba ito ng papaya soap? hahahah!

Hay, pero ang isang frustration ko talaga ay breastfeeding. Wala kasi lumalabas na milk sakin. Super duper konti lang. Si Resty nga umiiyak na pag pinapa-dede ko kasi siguro wala sya makuhang milk. Nag-try na ko mag-breastpump pero wala talaga. Tatlong patak lang ata. Naiiyak na talaga ako sa sakit at parang lalagnatin na ko pero tina-try ko pa rin mag-pump. Lahat na nagtatanong at nangungulit sakin na magtry pa ng magtry. Nakakainis na nga minsan. E lahat na nga ginagawa ko pero wala talaga. Umiinom na ko ng Anmum Lacta at humihigop ng sabaw na may malunggay almost everyday. I will still keep on trying though. Good luck to me.

Kamusta naman ang gastos ngayong may baby na?! Shucks, buti na lang normal delivery ako at meron kaming konting natipid. Ang mahal din ng gatas at diapers. Plus mga gamit-gamit pa ni Resty. Syempre, gusto ko naman yung mga de-kalidad na mga gamit. Kahit mahal, ipinipikit ko na lang ang pagbili. Samin na lang ni Robert ang pagtitipid. Pagdating kay Resty, all-out talaga!

Ang bilis na nga lumaki ni Resty. Mukha na raw syang months-old e 3 weeks pa lang sya. Parang everyday nag-iiba ang mukha nya. Pero kamukhang-kamukha pa rin ng ama nya, haha!

Sana di na matapos ang maternity leave ko! Ayoko iwanan si Resty! Takot ako baka pag nag-office na ko e di na ko makilala ng anak ko. Gusto ko 24/7 kasama ko sya. Hayy... kung pwede lang talaga. Kaso kailangan kumayod para mabili lahat ng mga gusto nya. Ipon pa para sa monthly bday celebration nya at sa pang-binyag din. Basta lahat talaga gagawin namin mag-asawa para mabigyan sya ng masaya at kumportableng buhay. Ganun na ata talaga pag magulang ka na. Buong mundo mo iikot na sa anak mo. Tama talaga sila. Maiintindihan mo lang ang feeling pag may sariling anak ka na. Sana lang talaga lumaki sya na mabait at responsable. Sa ngayon, ok pa na cute lang sya, hehehe.

Baby ko! Gigil!




Previous post Next post
Up