9 weeks and 1 day

Dec 11, 2008 01:59

I'm feeling a lot better now! My apetite's back also and super konti na lang ng ubo at sipon ko. I spent the weekend in Pampanga at mukhang nakabuti ang fresh air sakin. Nanood din kami ng laban ni Pacquiao on PPV pero badtrip kasi nung end of Round 7 bigla nag-brownout! Hassle talaga! Nakinig na lang kami sa radyo sa kotse. Nanalo rin naman sya so everyone's happy. Buti na lang din at medyo boring yung match. Hehe, bawal kasi ako masyado ma-excite or ma-stress.

I finally found an OB na rin pala. Yung OB ni Mareng Aizza ang pinuntahan namin ni Roberto. Binigyan nya ako ng mga multi-vitamins at nakatulong talaga yun sa paggaling ko. Umiinom na rin ako ng Anmum ngayon. In fernez, masarap naman sya. Hindi na rin ako nahihilo masyado ngayon. Minsan lang medyo nauumay ako sa mga pagkain. Pero after a while, nawawala na rin. Ayoko pa rin ng amoy ng perfume. Pero kung mga amoy ng pagkain, ok lang sakin. Kahit amoy ng tuyo keri lang, hahahha! Medyo tamad na rin pala ako maglakad-lakad ngayon. As much as possible uupo na lang ako. Pag nasa mall, ayoko na magikot-ikot. Lalo na sa SM Pampanga -- the longest mall in the Philippines! hahahha!

Naibili na rin pala ako ni Roberto ng mga maternity pants. Hindi pa naman masyado malaki yung tyan ko pero masisikip na mga pantalon ko. Nakabili kami ng pants sa Havin' a Baby and Gingersnaps. Mas gusto ko yung fit ng pants sa Gingersnaps. Pero di ako bibili ng marami kasi lalaki pa ang tyan ko. Magle-leggings na lang muna siguro ako pag masikip na ulit mga pants ko.

Ang daming Xmas parties ngayon. Last night, Xmas party dito sa office. Hollywood movies ang theme and our team's movie is Juno! In fernez, naisip yung movie na yun bago ko pa malaman na jontis ako. Suot ko na yung maternity pants ko tapos naglagay na lang ako ng unan. Nagtataka lahat ng tao bakit daw ang bilis lumaki ng tyan ko, hahahah! Di rin ako masyado nakapag-stay kasi pagod na ko. Gusto ko na lang umuwi at matulog. Bawal din ako uminom e. Mukhang nag-enjoy naman ang mga tao kagabi, hehe. On Saturday, Eggkada Xmas party naman. Ask ko si Tintin kung kaya nila mag-inuman na walang yosi... sagot nya, "lalayo na lang kami sayo!" hahahaha! Sana marami makapunta sa Saturday. Kaka-miss talaga ang eggkada.

Ayun muna ang updates ko. Blog na lang ulit ako pag meron na mga interesting stuff na nangyayari, hahaha!

Previous post Next post
Up