Jun 09, 2009 21:24
So sinubukan ko ang technique na tinuro ni Sandra sa Baguio kung paano hulihin ang mga gamu-gamong umaaligid sa mga lightbulbs. So far it's working. Maraming gamu-gamo ang nakahiga ngayon sa plastic bag, umiiyak sa kanilang kawalan ng pakpak at nagdadasal sa diyos ng mga gamu-gamo para sa isang himala.
Bumili ang tatay ko ng barko.
...at less than 3 feet ang barkong tinutukoy ko. Gawa ito sa sandal wood at magiging permanenteng bahay ng aking pirate miniatures. Eto yung isang quirk ng tatay ko e; bibili siya ng random stuff sa mga preso/asawa ng preso/magtitinda ng encyclopedia sa kanta ng Q. Ave./whatever dahil nagkwento sila ng kwento na parang hinugot sa writers ng Maalaala Mo Kaya (Dear Col. Lozada, itago niyo na lang po ako sa pangalang... Barbero). At pinaniniwalaan naman niya.
So far, nakabili na siya ng Cook Book, daga, stuff toy na mukhang ginawa ng mga taong walang idea kung ano ang cute, at barko na malamang paglalaruan ng pamangkin ko once na-get over niya ang kanyang "I-love-trucks-and-nothing-else" phase.
Well, itatago ko muna at paglalaruan (not to mention imo-modify ko't pipinturahan para maging mas realistic na pirate ship) bago pa niya mahawakan ito gamit ang kanyang maliliit na kamay. Magkakamatay tayo, Marcus. Magkakamatayan muna tayo. Hindi mo pwedeng paglaruan ang mga toys ni Tito Rayson.