(no subject)

Aug 01, 2006 17:15


Yey. Nkapag-update na din ako sa wakas. Haha. Ay. Wala akong mahanap na ibang layout. Hindi ako natutuwa sa mga layouts na nakikita ko e. Eww. Gusto ko kasi LLS kaya lang wala nakong mahanap na iba pa. Leche. Bakit naman kasi napaka-talented ko at hindi ako marunong gumawa ng sarili kong layout. Parang tanga lang. Haha.

Bago ang lahat, isa nanamang pabati...

HAPPY BIRTHDAY AUNTIE LEZ! I Love You. <3

SCHOOL.  Saya pumasok sa school ngayon. Ang dami kong nakikita, though ayokong makita yung mga Freshies na super arte. Haha. Yung iba naman na second year ata na Nursing akala naman Freshies kami ni Tita Chii. Uh, adik ba sila? Ang alam ko kasi, nung nag-start kami sa Mapúa wala pang Nursing e. So... Hahaha. Yung iba naman, wala lang, familiar faces lang. Kaya lang andami na talagang hindi kilala.  Like, yung iba kilala ko lang by face dahil lagi ko lang nakikita or nakakasalubong. Pero shempre, hindi ko paren sila kilala. Labo. Haha. Ayy. Sila Future pa pala. Jusko. Tama bang lumipat ng tambayan? Ha? Mas pinahirapan lang akong mabuhay sa loob ng school e. Pano, yung nilipatan nila yung sa may tambayan ng mga orgs. E wala naman ibang dadaanan kung gusto kong pumunta sa magandang CR. Lagi pa naman ako dumadaan sa side na yun. Unlike sa tambayan nila before na halos hindi ko talaga dinadaanan. Lalo na pag andun siya. Hndi naman kasi kaya ng powers ko. Haha. Nakesh. Naloloka nanaman ako. Hm. May bago pala dapat akong mga kras sa school. Kaya lang Pareho silang lower batch so.. pag-iisipan ko muna. Hehe. Yung isa, classmate ko sa isang subject pero hindi ko paren alam yung name nya kasi hindi naman nagtatawag yung prof. Better luck next time. Hehe. Yung isa naman, wala, nakikita ko lang pakalat kalat din sa school. Kaya lang mukha syang kid. Baka makasuhan ako ng child abuse. Ew. Haha. Uh, yung thesis pala namin, ayun, thesis paren. Haha. Ang hirap naman kasi mag-research ng mga descriptions para sa bawat lugar sa buong Intramuros. Pfft. Subukan nyo kaya. RAWR.

GIGS. Super tagal na ata nung last time na nag-gig ako e. Parang 10 years ako pa. Pero shempre OA lang ako. Haha. Last gig ko nung MTV Pilipinas Launch Party @ Capones, Makati pa. Oha. Kumpleto. Hehe. Tapos puro nalang ako School-Glorietta/Greenbelt-Bahay araw araw. Hehe. Parang ganun din. Ginagabi paren ako. Pero atleast sa school ako ginagabi. Pumupunta lang naman ako sa mall pag kakain kami ng dinner or magkikita kami ni Collen (cousin) para mag-shopping. So feeling ko naman ang yaman ko. Haha. Basta. Super miss ko na ang night life. Mga ka-bonding ko. Lahat na. Mga bading kayo! Ang tagal na natin hindi nagkikita-kita! Aba! Hehe. Tara na't mag-bonding. Wee. Sabihan nyo lang ako.

So ayan. Tama na muna. Mahaba na e. Hafta go..
Previous post Next post
Up