post ko lang 'to, ha?

Apr 24, 2007 20:26

hay naku. hanep naman o. maghapon akong walang ginawa sa opisina. pambihira. alam mo bang mas humahaba ang oras kapag walang ginagawa? tapos, may gagawin nga ako, palpak pa. hanep talaga. simpleng pagsagot lang ng telepono o maski paggawa ng ears para sa files hindi ko maggawa ng maayos. ngayon ko nari-realize na ambagal ko pala talagang mag-isip at wala akong sistema. para akong program sa computer na lagi dapat may command para lang gumana. hayop talaga.

kaya, out of frustration, desperation, and depression e inuwi ko sa bahay ang gawain sa opisina. bakit ba hindi ako makagawa ng impromptu style? dapat laging trial-and-error. hayop talaga. pati simpleng instructions hindi ko kaagad nakukuha. hanep, taga-UP daw o.

yun lang. pambihirang sweldo, wala pa.
Previous post Next post
Up