by tomorrow, niki. by tomorrow.

Oct 01, 2010 20:13

 Biswal: Si Bhoyet, na ngayon ay si Charisse. Nakadamit-pambabae na. Ang buhok ay ayos na ayos. Naka meyk-ap. ‘Di halatang lalaki. Naka-upo sa isang mahabang bangko, sa may parke banda. Kumakain ng ays krim. Napaka-sekswal pati nang simpleng pagdidila nito sa ays krim. Banila ang pleybor. Pinoporma ang puting sorbetes gamit ng mga labi at sinusubo ng paulit-ulit. Sa malayong gilid naman ng bangko ay isang binata. Hindi umiimik. Kanina pang hindi umiimik. Pero lagi nitong tinitingnan si Charisse mula sa anggulo ng kanyang mga mata. Titingnan ni Charisse.

Mga palutang-lutang na kahon: Daplis. Sulyap. Daplis. Kanina pa kita nakikita, lalaki.

SI LALAKI: -mapipilitang magsalita- Naghihintay ka bang magpapik-ap? -pa-biro-
CHARISSE: …Ewan ko sa’yo.
SI LALAKI: Mukhang ganun, eh.
CHARISSE: Talaga?
SI LALAKI: ‘Di, ah. Biro lang yun. Bayaan mo na. -medyo asiwang pagtatawa-

IKA-LABINDALAWANG PAHINA

-kontinwasyon ng usapan-
CHARISSE: … Eh, pa’no kung ‘yun nga talaga?
SI LALAKI: Ha?
CHARISSE: Pa’no kung ‘yun nga talaga ang sadya ko rito?
SI LALAKI: …
CHARISSE: Hindi. Biro lang rin yun. -malaswang pagdidila at pagsusubo ng ays krim; sabay tingin kay lalaki mula sa anggulo ng kanyang mga mata na kung tawagin ay sedaktib glans-

Mapapalunok si lalaki. Ninenerbyos, pero interesado. Susubukang ituloy ang diskurso.

SI LALAKE: Ginagago mo ba ‘ko?
CHARISSE: -magkikibit ng balikat; patuloy sa Sorbetes Epek at Sedaktib Glans-

workshop-related shiz!, scripts and write ups!

Previous post Next post
Up