Encantadia returns tonight!

Feb 20, 2006 14:22


I'll miss Etheria terribly, but I'm damn proud of Encantadia, so I'm glad it's back. Hope you guys watch it!

Check out Jay-R (hahaha, I'm sorry, slang na pirate: "Pushneah ka! [read: Pashnea ka!]") and Dingdong's new hairdo (Legolas ito, bagay in fairness)--bumagay sa kanyang unshaven look.

Magbabalik na ang telefantasyang minahal at hinangaan ng lahat:
Encantadia, Pag-ibig Hanggang Wakas

Magaganap na ang grandest twist sa primetime telefantasya sa kasaysayan ng Philippine television: Ibinabalik ang multi-awarded telefantasya ng GMA Network na minahal at hinangaan ng lahat, ang Encantadia, Pag-ibig Hanggang Wakas, na ngayon ay mas pinalaki at mas pinaganda pa. Simula ngayong Lunes, Pebrero 20, sasabak muli ang mga kinagiliwang Sang’gre sa mas maraming makapigil-hiningang adventure sa mahiwagang mundo ng kasalukuyang Encantadia.

Sa espesyal na pilot episode nito, magbubukas ang mundo ng Encantadia sa kasalukuyan, kung saan ipinagdiriwang ang kapanganakan ng anak nina Ybrahim (Dingdong Dantes) at Alena (Karylle), ang Hari at Reyna ng Kaharian ng Sapiro. Makikisaya sa kanila ang mga kapatid na Sang’gre ni Alena, sina Pirena (Sunshine Dizon), Amihan (Iza Calzado), at Danaya (Diana Zubiri). Hawak na muli ng magkakapatid na diwata ang mga brilyanteng kumakatawan sa mga elemento ng Encantadia: ang brilyante ng apoy kay Pirena, brilyante ng hangin kay Amihan, brilyante ng tubig kay Alena, at brilyante ng lupa kay Danaya. Taglay rin nila muli ang kapangyarihan ng mga brilyanteng ito, na patuloy nilang gagamitin sa pagtataguyod sa Encantadia.

Sa gitna ng kasiyahang magaganap, darating din ang isang espesyal na panauhin: magbabalik ang ina ng apat na Sang’gre na minahal at kinagiliwan rin ng lahat, si Mine-a o Ynang Reyna (na gagampanan ni Ms. Dawn Zulueta).

Bukod sa pagbabalik ng mga tauhang sinubaybayan ng mga manonood sa top-rating telefantasyang Encantadia, may bago ring mga nilalang na makikilala, tulad ng mga Punjabwe at mga Picarro. Ang mga Picarro ay isang grupo ng mga maliliit na engkanto na namumuhay nang tahimik at payapa sa ilalim ng lupa

Ang mga Punjabwe naman ay isang lagalag na tribu na kilala bilang mga tulisan o masasamang-loob na may kakaibang kapangyarihan. Sila ay pinamumunuan ni Azulan (na gagampanan ni Jay-R), isang makisig, mabilis, maabilidad, at malokong nilalang na mahilig sa basag-ulo. May kakayahan siyang mawala at makalakad o makatakbo sa ere. Subalit may iba pang lihim na iniingatan si Azulan sa kanyang pagkatao…matuklasan kaya ito ng mga diwata?

Iba’t ibang nilalang na may kakaibang kapangyarihan ang bumubuo sa grupo ni Azulan. Kasama rito ang kambal na sina Luntian at Violeta(na gagampanan ng Ja-Boom Twins) na kapwa maliksi, sabay magsalita at iisa ang kilos at kapwa may mahabang buhok na ginagamit nila bilang armas. Nariyan din si Kahel, ang isang higante na nakasisindak ang hitsura, pero malumanay pala.  Si Dilawan (isang puppet tulad ni Imaw) naman ang ginagalang na taga-payo at kinikilalang tagapag-alaga ni Azulan.

Kabilang din sa mga kasama ni Azulan si Rosas (Marnie Lapuz), ang isang matabang babae na masiyahin, mabait, at masigla. Siya nga ang makahuhula ng masamang kapalaran ni Ybrahim: na ito’y mamatay sa kamay mismo ng sarili nitong anak. Magkatotoo kaya ang pangitaing ito?

Mga bagong tauhang kagigiliwan at kaiinisan; mga bagong panganib na kakaharapin; mga bagong pakikipagsapalaran na susubaybayan; at mga Sang’greng matagal nang hinahangaan at kinagigiliwan ang mapapanood sa lalo pang pinagandang telefantasyang hinangaan at sinubaybayan ng napakarami mula noong 2005 hanggang sa kasalukuyan. Ngayon lamang ito nangyari sa kasaysayan ng primetime telefantasya sa Philippine television. Ganyan katindi ang pag-ibig na masasaksihan sa pagbabalik ng Encantadia, Pag-ibig Hanggang Wakas.

Mapapanood ang Encantadia mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Extra Challenge sa GMA Telebabad.

OK, Etheria pa ito, pero gusto ko lang i-post. Meet the fifth Sang'gre (and apparently the smallest, dammit!--ay hindi pala, second smallest lang) Hahahaha ;)



Previous post Next post
Up