Guys, watch My Name is Kim Sam Soon after Extra Challenge tonight!

Feb 13, 2006 17:17

Pero Etheria ang PR na ito. :)

Magtagumpay na kaya ang mga Sang’greng wasakin ang Ginintuang Orasan?

Ngayong linggong ito na malalaman kung magtatagumpay ba ang limang Sang’gre-sina Amihan (Iza Calzado), Pirena (Sunshine Dizon), Alena (Karylle), Danaya (Diana Zubiri), at Ybrahim (Dingdong Dantes)-na tuluyang wasakin ang Ginintuang Orasan na pinagmumulan ng kapangyarihan ng Etheria at palayain sa kanyang kinapipiitan ang tagapagmana ng Lireo na si Cassandra (Ella Guevara). Nalalapit na rin ang pinakamatinding twist sa primetime telefantasya sa kasaysayan ng Philippine television, sa makapigil-hiningang primetime telefantasya ng GMA Network, ang Etheria: Ang Ikalimang Kaharian ng Encantadia.

Sa pangambang hindi siya maisilang at maging bahagi ng kasalukuyan, hindi na naman mapipigilan ni Pirena na mangialam sa kapalaran nina Mine-a (Nadine Samonte) at Hagorn (Ping Medina). Minabuti ni Pirena na tulungan si Prinsipe Hagorn (Ping Medina) ng Hathoria na makapiling si Mine-a (Nadine Samonte): tinulungan niya itong mag-iba ng anyo at kunin ang anyo ni Raquim (Dennis Trillo). Nagkaroon ng bulaklak sa palad ni Mine-a na simbolo ng pagkakaroon ng isang sanggol sa kanyang sinapupunan. Buong paniniwala ni Mine-a na dinadala niya ang magiging anak nila ni Raquim, subalit mapait pala ang buong katotohanan… Ano na kaya ang maging kahihinatnan ng pag-iibigan nina Raquim at Mine-a?

Samantala, matutuloy na ang matagal nang nagbabadyang digmaan sa pagitan ng Etheria at ng Sapiro at mga Diwata. Nagawa na ng diwatang si Amarro (Alfred Vargas) ang Kalasag para kay Raquim. May taglay itong hiwaga, at walang sinumang kikilalanin ang kalasag kundi si Raquim at ang karapat-dapat nitong tagapagmana… Sa kasalukuyan, si Ybrahim ang magiging tagapagmana nito, ngunit sa nakaraan, si Ybrahim o Alexus ay nasa panig ng mga Etherian. Siya pa ang nangakong kikitil sa buhay nina Raquim at Mine-a, at mamumuno sa paglusob at pagsakop sa Sapiro. Magbalik pa kaya ang ala-ala ni Ybrahim at makabalik sa kasalukuyan sa piling ni Alena o tuluyan na siyang maiwan sa nakaraan, kasama ng mga Etherian at ng Heran na umiibig sa kanya, si Odessa (Pauleen Luna)? At ano naman kaya ang kapalarang naghihintay para kay Raquim? Makapiling pa kaya niya si Mine-a?

Maghaharap na muli ang apat na magkakapatid na Sang’gre at ang mga Heran na sina Reyna Avria (Francine Prieto), Andora (Alessandra de Rossi), at Juvila (Jopay Paguia). Sino kaya ang magwawagi sa magaganap na labanan? Magawa kayang talunin ng mga Sang’gre ang mga Heran para tuluyan nang masira ang sumpa ng Ginintuang Orasan?

Napakaraming tanong ang kailangang sagutin, mga misteryong naghihintay mabunyag. Walang eksenang dapat palagpasin sa linggong ito sa Etheria. Ngayon na mapatutunayan ang kapangyarihan ng mga Sang’gre at kung gaano katatag ang kanilang pagmamahal.

Abangan ang pinakamatinding twist sa primetime telefantasya sa kasaysayan ng Philippine television. Mapapanood ang Etheria mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Extra Challenge sa GMA Telebabad.
Previous post Next post
Up