pagmamaneho ng titik

Jul 23, 2009 14:01

ang pagsusulat ay para rin palang pagmamaneho sa metro manila
mag-ingat na sundin ang tuntunin ng mga buwaya; nakamamatay kung hindi
pero dapat marunong kang sumuway at tumakas nang magiting
kung hindi mo kayang kabahan, di ka maka-oovertake;
kung takot kang magalusan ang pintura, umuwi ka na lang.

dahil kung hindi, maiipit ka lang sa EDSA ng isipan - naiihi sa Guadalupe, pero di mo maiwan ang sasakyan.
at kung tutuusing tunay,
yun ang nakamamatay.
Previous post Next post
Up