(no subject)

Mar 22, 2009 18:29

one of those fly-by-night illnesses,

a sudden fever to remind you of your mortality.

to remind you that people care for you, that the people you love love you too, immensely. more immensely than you think, and more immensely than they often show.

a reminder that you matter to God. and thus, you should matter to yourself.

mag-exercise, huwag mag-isip ng trabaho sa bahay - trabaho lang 'yan. babagsak din ang ekonomiya isang araw. magmahal - yun ang mahalaga. hindi ka makina - kahit kompyuter nga, nag-uupgrade, nagde-defrag. magpahinga ka. magsaya ka. magpaka-blanko ka ng isip paminsan-minsan. mag-toothbrush ka. yung matagal, di gaya ng pagmamadaling pag-brush sa umaga. mag-deodorant ka. kalkalin mo ang kabinet mo para sa mga matagal mo nang di nasusuot at mangako kang masusuot mong muli ang mga di na kasya sa yo.

kung puno ka ng galit, pagkamuhi o pagsisisi, aminin mo muna sa sarili mo habang nakaratay ka sa kama. kanino ka ba talaga galit, bakit ka napagod, at itaas mo sa Maykapal lahat ng ito dahil hindi mo naman talaga kaya na mamuhay lahat ng ito sa puso mo.

enjoy-in mo ang sunset. cheesy. enjoy-in mo ang amoy ng dalampasigan. hmmm... dito, may kanal, but the scent is close enough. just don't get too close, dahil mangangamoy basura na.

magpasalamat kang may gamot ka, may bahay ka, may village kayong may magandang view ng sunset.

magpasalamat kang may mga nagmamahal sa yo.

pasalamat ka, na kaya mong magmahal.

magkasakit ka paminsan-minsan. biglang liliwanag ang lahat.
Previous post Next post
Up