Apr 04, 2010 12:03
Kailan pa ba ang pinakamagandang pagkakataong sumulat uli, magumpisa, kundi ngayon Pasko ng Pagkabuhay.
Nitong nakalipas na Semana Santa, sinigurado kong makadalo sa mga recollections na hinanda ng aming parokya noong Holy Wednesday and Thursday.
Paghilom at pakikipagkasundo (healing and reconciliation) ang naging tema ng recollection nung Holy Wednesday na pinangunahan ni Bishop Ambo David ng Diocese ng Pampanga.
Marami daw buhay (alive)na patay (dead). Buhay (alive), pero patay dahil walang layunin, walang direksyon, walang kahulugan. Tulad ng isang taong nagiigib na walang dalang sisidlan. Inigib tubig na walang kahuhulugan, walang paglalagyan.
Sa buhay, mainam na tayo ay may layunin di lang para sa ating sarili, kundi para sa kabutihan ng ating kapwa. Sabi nga, sa mundong ito ang lahat ay lilipas, mga mahal sa buhay, materyal na bagay...
Ngunit, may tatlong bagay na mananatili. Pagasa, pananampalataya, at pagibig. (Hope, faith and love)
holy week,
reflections