Ibong adarna-A.38-41 script
Aralin 38
Narrator: Dahil sa mga pangyayari’y nagulo muli ang kaharian. At si Leonorang naroroo’y nagsalita na rin.
Leonora: Haring Fernando, ako’y iyong pakinggan sapagkat hirap ko’y isasaad. Kami ni Prinsesa Juanang magkapatid ay naninirihan sa Armenya. Pinto ng aming kaharia’y balon at ito’y di nakakayang babain ng ninuman sapagkat ito’y malalim at madilim. Dito ako natagpuan ni Don Juan na nakipaglaban pa sa serpyente at higante para lamang kami’y mailigtas at maiahon sa kahariang iyon. Kami’y nakaahon at naglakabay patungo rito ngunit kami’y napatigil sapagkat ako’y mayroong nakalimutan. Singsing na namana pa sa aking magulang, ito’y mahalaga kaya’t aking inibigang balikan. Ngunit ako’y pinigilang yaring prinsipe at nag-alok na siya na lamang ang kukuha. Kahit ako’y tumanggi siya’y nagpumilit. Nang siya’y bumaba, di pa man nakararating sa lupa’y sila Don Pedro at Don Diego’y pinagtulungang putulin yaong tali na siyang nakabitin. Sa sobrang taas ng pinabagsaka’y siguradong siya’y patay na. Ako’y napa sindak at tuloy tuloy sa pagiyak, siyang pagkamatay ay akin na ring ninasang mamatay. Dahil sa aking pag-asa’y siya’y buhay, lobong dala dala aking inuhulog. Ito’y may taglay na engkatadong galing, palakasin at pagalingin prinsipeng giliw. Pagkat gusto kong manigurado, ako sana’y babalik ngunit ako’y pinigilan ni Don Pedrong iyong anak. Wika nito’y, “Para san pa si Don Juan kung ako’y naririto naman. PAbayaan na ang patay, sa pagkat kayo’y aming dadalhin sa Berbanya at tayo’y magpakasal.” AT kami na nga’y dinala rito, kahit kami’y umiiyak at nagrereklamo’y dahas ang katapat. At ano ba naman kaming mahihinang babae? O Hari, maawa ka sa akin.”
Narrator: Sa kanyang narinig, Hari’y nagalit at nalungkot. Nagalit sa nagkasala at nalungkot sa dinanas na mgtitiis ni Leonora. At sa sandaling din iyon ay nagdesisyon ang Hari. Ang nauna siya'ng may pala.
At si Donya Mariang nakatingin, tinititigan ang hari mensahe ng mata kung desisyo'y iyon na nga.
Donya Maria: Haring minamahal, ako naman iyong pakinggan panandali. Wala naman po akong balak na inyong bawiin yaring desisyon, ang akin lamang ay Sabihin na kung ano pa, kung kayo po'y may katwiran ang katarunga'y asahan. Sa palabas kanina na inyong nakita't napanood, iyon ay ang buhay naming magsing-irog.
Narrator: Hari'y biglang natulala, memorya ng palabas kanina'y bumalik at siya'y nanghina. Sa sarili'y naisip, desisyon ay mayroong pagkakamali, ngunit ang tapos ay tapos at dahil siya ay hari, desisyo'y di na mababawi.
=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=
Aralin 39
Narrator: Donya Maria'y di naman napansin yaong paghona ng haring magiting. Kaya't ito'y patuloy-tuloy lamang.
Donya Maria: pagsasadula'y hindi ko ninais na patotoo, kung ang aming pagtatalo'y nadawit ng kaunti sa kwento. Ipagpatawad mo sana, ngunit itong batas minsan ay nabubulag at nagkakamali ng hatol ang tao. At patibay ay naririto, pag-ibig namin ni Don Jua'y magkaugnay. Hindi naunawaan ang mga nangyari sa usaping puso kung kaya't ang desisyo'y di na maiba. Kung inyo pong titimbangin, hirap namin o yaong huling nagreklamo. At ito pang nangyayari'y idadagdag sa kahirapan akin nang dinanas, at di ko alam kung ikaw nalang ay di manghina. Si Don Juan ang mismong naghanap at pumunta sa aming kaharian. At doon Ama ko'y hari, Don Jua'y binigyan nya ng maraming pagsubok at isang pagkakamali'y buhay kapalit. Ako'y mayroong 2 pang kapatid, katutubo ng magulang at binunga ng pagmamahal. Sa aki'y maraming nagsuyo, at para sa aking puso, lahat sila'y nanilbihan sa aking ama. Ngayon nama'y bato silang lahat at kung walang maawa ay doon na rin sila mamatay. At si Don Juan, nakaligtas sa mga posibilidad na mamatay.
Narrator: at patuloy tuloy lang si Donya Maria sa pagkwento sa hari tungkol sa hirap na kanilang dinanas. Kinuwento rin nya ang mga utos na ipinagawa ng haring ama sa prinsipe, na kung saa'y si Donya Maria'y tumutulong.
Donya Maria: Ako'y naging suwail na anak sa amang minamahal, para lang sa buhay ng iniirog na inyong anak. At sa Lahat ng paghihirap at pagsubok akin ring tinahak.
Narrator: Matapos magsalita ni Maria, ito'y tumingin sa prinsipen nakaupo, wari'y inaalam ang kalooban nito.
Donya Maria: At ngayo'y malieanag ko na ring naisaad ang aking nirating.
Narrator: Prinsesa'y umupo ng panatag, samantalang Hari'y napatahimik. At ang natanging desisyo'y tanungin ang Arsobispo sa huling kahatulan.
Arsobispo na sumusunod sa mga utos ng Papa'y sinagot na kay Leonora na nga nakalugod.
Mariang mapantag ay muling nagdamdam, sapagkat siya na'y nawalan ng pag-asa. Kaya ito nalamang ang nasambit.
Donya Maria: At sa nangyari ngayo'y alam ko na, batas ng tao ay totoong baliko, kung saa'y sa tama'y napapalayo.
Narrator: At si Donya Maria sa Arsobispo'y tumingin. At ang ani lamang nito'y,
Arsobispo: O Aming Panginoon, kami nawa'y iyong linawagan.
Donya Maria: Marangal na Arsobispo, sa mata ng isang tao, ano ang magiging hatol?
Arsobispo: Ngayo'y wala nang magagawa pa, sa simbahan si Leonora ang siyang ikakasal sa Prinsipe.
=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=
Aralin 40
Narrator: Sa hatol, Donya Maria'y nagalit at walang awang naghiganti. Ang tubig ng kanyang prasko'y binuhos sa kaharian ng Berbanya at ito'y nagbaha.
Nang ang kaharia'y di na mailigtas, Don Jua'y kaagad na nakiusap sa Prinsesa.
Don Juan: Aking mahal, huminahon ka, kahit ano pang galit mo'y ako'y iyo at ikaw ay akin.
Narrator: Ang arsobispo'y hinarap ng prinsipe at ito'y nagpahayag,
Don Juan: O Pontisipe, maawa ka kay Donya Maria. Ngayon na lang po ako magsasalita, ang totonng nilalaman ng puso ko ay si Donya Maria. Kahit si Leonora'y aking minahal, ayaw ko nang malayo pa sa aking Kapatid na si Don Pedro. Kami'y magkapatid at di dapat nag-aaway lalo na sa pag-ibig di dapat pinagtatalunan. Karapat dapat lang naman na si Leonora'y mahalin, kaya kay Don Pedro ikasal. Kaming magkapatid ay may tungkulin sa magulang at lalung-lalo na sa kaharian ay dapat patatagin. Asa aming mga anak nakasalalay ang kinabukasan ng aming bayan. Leonora, ito iyong singsing at aking pasasalamat at buhay ko'y iyong isinalba. O Arsobispo't Amang mahal, kami ngayon ni Donya Maria'y ikasal.
Narrator: Arsobispo at Hari ay nagkayari, Hari agad pinagdesisyonang ikasal si Don Pedro at Lenora at isabay na rin ang kasal ni Don Juan at Donya Maria.
Maria'y natuwa, at si Leonora'y walang reklamo.
Haring Fernando: Aking mga mamanuganing mga anak, kayo'y aking mamahalin.
Narrator: Isinabay na rin ng Hari ang paglipat ng trono sa bagong hari. At ang kojotanahin sana'y bunsong anak, ngunit,
Donya Maria: Si Don Pedro na ang magmana ng korona, at si Don Juan ay nay sarili sapagkat kami nang hinihintay ng kaharian ni ama.
Narrator: Kaya na lamang kay Don Pedro pinatong ng Arsobispo ang, pati setro at namahala na nga sa Berbanya ang bagong Hari.
At kay Leonora na nga ipinatong ang diyadema at siya na ang naging bagong Reyna ng Berbanya.
=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=
Aralin 41
Narrator: Matapos ang kasiyahan sa Berbanya'y kinailangan ng umalis ni Don Jua't Donya Maria, kaya sila'y nagpaalam na.
Pagdating sa Reinos, anong sigla ang sumalubong sa kanila. Ngunit mag-asawa'y nagtaka, nasa ibang kamay ang kaharian, mga kapatid at magulang ay wala.
Pero ang kaharian ay mapayapa at ang namumuno ay di na nakipagtalo. Ang lahat ay nakilala ang prinsesa, kung ang hari'y yumao, may Reyna na sila ngayon.
Yung mga batong tao'y binuhay at muli na naging tao. Sa kalayaan nila'y nagsaya at nagkapista, parangal sa nagsilaya. Isinama na rin ang panalangin para sa magulang at mga kapatid na yumao.
Prinsesa'y naghandog ng handaan para sa lahat sa kagustuhang makasama buong bayan. Nang lahat ay nakasalo na, Prinsesa'y nagpahayag,
Donya Maria: Si Don Juan na aking kapilas ay ating puputungan ng korona dahil siya na ang magiging hari ng kahariang ito.
Narrator: Don Jua'y pinatungan ng korona at sa Prinsesa'y marikit na diyedema
MADLA: BIBA! BIBA! HARI NATI'Y MAGTAGUMPAY! REYNA NATIN AY MABUHAY!
Narrator: Ang pista ay nagtagal ng 9 na araw, at magdamag ang musika at kasiyahan. Sa pamumuno ng bagong hari, lahat ay sumusunod kaya kapayapaan ay namamalagi. Kabuhayan sa reyno ay umunlad, wala ngi isang taong naghihirap.
Pati buhay mag-asawa ng Hari at Reyna ay maganda. Ang relasyon nila ay sa pinagsumikap na sa pagmamahalan lamang. Na sa hirap at ginhawa sila'y magsasama. Kaya't bawat alitan kaagad ding napagkakasunduan, pamumuhay nilang mag-asawa'y mapayapa.
Mga katangiang ito'y namana ng mga tao, kaya ganoon na lamang ang lungkot ng reyno ng sila'y yumao. Ngunit kahit wala na, buhay na buhay pa rin sila sa reyno lalo na sa tuwing may dasal.
LAHAT: At iyon na nga ang wakas korido na naisulat.
Posted via
LiveJournal app for iPhone.