"o baket, kakanta ka na naman? akala ko ba hindi ka na kakanta?" wika ni ma.
words which lacerated my heart. nautal pa ko sa pagsagot habang hinuhubad ang gown na sinukat.
"a actually hindi na nga dapat e. last na to ma...recital kasi ni kuya pao...for old times sake."
"may sobra pa ba yan sa tagiliran? papangit na yan pag pinabawasan kasi dinaanan na ng tahi."
"eh super balakang naman kasi ako eh..ayan meron pa oh...tsaka hindi na yan halata pag nasa stage na..."
wala naman akong pinag iba sa gown na sinusukat ko. may sobra pa naman kaya pwede pa iadjust. may sobra pa naman akong time kaya pwede pa ako magadjust.
so little time yet so much to do
bakit ba kasi hindi nalang ako ginawang simple ni Lord. ang dami dami dami kong gustong gawin. ang catch pa is yung mga ginagawa ko (brainwork) is not akin to me. pero bakit ang singing is as natural as eating (or having sex) para sakin...sana kumakanta nalang ako forever...
on the way home mula sa dialysisan, nakasakay na kami ng cab ni dad. tapos pinatugtog ang "when you tell me that you love me" ni diana ross...isa sa mga una kong contest piece.
dad (singing): "when you tell me that you love me..."
angel: naalala mo dad, yan ata una kong contest piece...nasubaybayan mo ba ang mga sinalihan kong contest? parang series kasi yun eh...hehehe...
dad: hindi ko napanood nung kinanta mo to.
angel: talo ata ako niyan eh...ay hindi panalo pala.
dad: oo panalo ka nung iyan...pinatrain na kita noon sa lolo mo...
angel: shet yung una kong kanta yung "eternal flame." sabi ko pa ata noon sa lyrics "internal flame." si tita belen kasi nagturo sa akin nun e (fyi: tita belen is my yaya)
dad: hahaha...
angel: hahaha...tapos tinawanan pa ko ni kuya kasi natalo ako...pangalawa kong sali ang kinanta ko na is "if we hold on together." sa school lang yun. tapos "when you tell me that you love me" na...
dad: oo tapos pinatrain na kita noon kay teacher carla (fyi: teacher carla is my first vocal coach) ng "miracle" ni whitney houston. sinabi ko talaga sa mommy mo paturuan ka kasi walang mangyayari sa yo or sa inyo ng kuya mo pag hindi mo tinuloy tuloy yan...sayang ang talent ng bata.
angel: hahaha nag grand entrance ka pa noon sa interschool compe na sinalihan ko kasi lumipad ka pa from Iligan just to watch me (sigh)
dad: pre-school ka palang nun right?
this is my craft. no one can take it from me. lalo pa ngayon na im doing it with the people i love. so what kung graduate na ko tapos bumabalik balik pa ko sa school? sabi nga ni guard ng ab kagabi, dapat hindi na ako kumakanta with them...kebs.
my music goes on forever...walang kokontra