(no subject)

May 02, 2006 22:08

kakulitan nung mga nakaraang araw, hindi ko talaga inaasahan... mahirap nga naman tangginhan pag ang humihingi ng pabor eh mas nakakababa ang edad kesa sayo... parang pakiramdammo napakafragile ng mga bata at hindi pwedeng balewalain yung hinihiling nila...

ang korni nga ng childhood ko kaya now's the perfect time to go back and reinvent my past. but i wont be using any time machine to do this. pwede namang ipamuhay muli. mahirap at nakakatawa kasi bente anyos nagiisip bata...

"ate cay, marunong ka ba magbike?" ika ng isang paslit habang hila hila ang dulo ng aking pang-itaas.

"naku yang ate cay mo, walang alam gawin yan... ni umakyat ng puno o tumakbo takbo,wala talaga!" laking pagmamalaki ng taong nagluwal at nagaruga sa akin...

PROS:

1. walang peklat
2. pa-girl image
3. more time sa bahay = more time to read

CONS:

1. paglaki mo, tas kwentuhan time, wala kang mashare

LOSER!

hahaha

kaya ngayon, dito sa probinsha, pang nagkaroon naman ako ng mission. maging bata ulit? hindi naman. milder. tinry ko lang yung mga ginagawa ng bata.

NAME: Aldreen Kameyama
RELATION: cousin (first degree)
MISSION: engage victim into childish activities

DAY 1:

TOOL: PS2
ASSIGNMENT: force ate cay to play megaman x7 and dragonball z

leche! ^&*^$@@%!!#

kung pwede lang talaga tumanggi! kulang nalang talaga uminom ako ng sleeping pills para makatulog buong araw! hindi naman sa ayokong maglaro. wrong! ayoko talagang maglaro. feeling ko kasi sa playing eh nakakastress. sabi nga nila, "all work no play makes angel a dull girl."

hindi ako naniniwala

gagawa ako ng sarili ko

"playing is a waste of time
stressful, yes it is
and it will not lead you to the roads of success..."
-angel baron "how to lead a boring life"

inasar ko nga yung pinsan ko. kumuha ako ng big story book na may malalaking drawing pa ni rumpelstiltskin at jack and the beanstalk at binasa ko sa harap ng tv monitor...

"ate cay! gawin mo nga yung tinuro ko sayong great ball ni goku! yung ->P P K K E dali diba alam mo yun?"

"talunin mo nga sa android 17"

"ate may bago, continuous kamehameha!"

"ate basahin mo nga yung instructions kasi hindi ko maintindihan!"



THINGS TO DO NI ANGEL BARON:

1. inform yung mga gumagawa ng computer games na dapat gawing child friendly ang mga instructions nila since puro child naman ang naglalaro nito. at dapat isipin nila na around the world ito kaya use simple english!
2. kulitin sila hanggat hindi pa nagiging madali sa pinsan ko ang pag-intindi sa instructions!
3. in case of doubt, read step 1, and follow it with all your heart

MISSION FAILED.

SECOND ATTEMPT: Watch cartoon network all day.

MISSION ACCOMPLISHED!

sa routine ng pinsan ko, eto lang talaga ang nagustuhan ko. dahil sa kanya, ayoko ng umalis ng bahay. ayoko nang ligawan ang tita ko para makiinternet ng libre (kaya napurnada ang pagsulat ko sa blog). at nagmistulan akong couch potato.

may bago na akong crush: si bart simpson. pwede narin si homer.



nung bata ako, lumalabas na tong walangyang cartoons na to sa channel 9, kasabay pa ata nung mcguiver, baywatch, doogiehouser, rescue 911... (wag mong ipahalatang 1985 ka pinanganak)pero anong malay kong bastusan pala tong cartoon na to. kasi noon, angel pa talaga ako.kaya pala noon, pag simpsons na....

kathang isip:

mom: o anak gawa na ba ang assignment mo?
little angel: opo...kanina pa po... nagpaturo po ako sa imaginary friend ko, si einstein.
mom: very good anak! eh gabi na ah, maaga ka pa bukas sa school. baka magalit ang serviceman
little angel: ma, saturday po bukas
mom: a ganun ba... (to my aunt) tita jane, pakilipat lipat mo nalang yung channel pag pangit na yung pinapakita sa simpsons ah
tita: yes ate...

siguro kaya ganito ang pagiisip ko ngayon...dahil sa mga pinapanood ko noon...

mali ang decision ng cartoon network na ibalik ang simpsons kahit gabi pa ito at mas pinapanood ng mga bata ang mahika...kahit maglagay sila ng "PG15" ay hindi parin sila nakakasigurado na hindi ito papanuorin ng mga bata. kasi yung pinsan ko nga, 9 palang to pero kasama ko nanonood...

pero okay lang kasi humihingi parin siya ng translation minsan. atleast, nasiscreen ko...

THIRD ATTEMPT: isali sa foodtrip si ate cay

MISSION ACCOMPLISHED but could lead to sudden failure...

eto ang ayoko kasi ayokong lumobo. lalo na ngayon kasi naghahanap ng trabaho. dapat laging "at your best (you are loved) -aaliyah" pero hindi ko mapigilan. mga bata kasi hindi pa strict sa diet. eh ako, kailangan de-takal ang kanin.

madaya ako, kahit kumakain ng maraming sweets, umiinom ako ng pampalinis ng tiyan tuwing gabi!!!!

well, nag-enjoy naman ako sa buhay bata at pagiging baby sitter paminsan minsan... kasi hindi matatawaran ang saya pag "chinachabuding" na ako ng pinsan ko tuwing gabi. ibig sabihin nun, lab niya ako.

cartoon network, tataas na ang rating ng shows niyo dahil sa akin. sasali narin ako sa birthday blast!

talasalitaan:

chabuding (n)
-tiyan; terminology ng mga batang 9 years old pababa. ineembrace nila to tuwing gabi kasi malambot at malaki. dapat magdiet

kung pwede lang akong iluwal uli

Previous post Next post
Up