sorry mahaba na naman

Jul 27, 2006 20:41

ang tagal! namiss ko to. namiss ko magblog. huling entry ko pa yata july 16... ano bang mga nagawa ko? ang saya kasi after ilang days nakaranas ako ng day off...sounds like chamber maid, ang pangit pakinggan! day off? ok fine sige... OFF. yun naman ang tawag nila sa office eh... ang saya, parang im just talking shit and i have nothing else to think about. i feel so accomplished, though i went home at around 5 am...watda?! back to my old life?!

well, it wasnt really expected. broke as usual, i asked for money para may pangtaxi papunta sa second office. nga pala, i feel sooooo bad pag humihingi pa ako ng pera sa dad ko...feeling ko ang inutil. totoo pala yung sinasabi nila no, pag sumesweldo ka na parang rule of thumb na bawal ka nang humingi sa magulang...

well its not really the case. in fact, my dad's so supportive of everything. he kept on telling me, "hey girl you know what, dont rush on things. you want to get everything fast. that's not the way to live life. we're not even forcing you to do two jobs at the same time..."

the starting career woman replied, "i feel good with what i do. i try to intoxicate myself with work. i love killing myself."

so morbid.

well, its not killing per se. i found this certain addiction of trying to drown myself with sooo many strenuous things. yung tipo bang 30 palang retired na ko sobrang pagod.

one more thing, i found a new hobby. at that is....tantananan....talking to cab drivers and security guards! i never really thought that im "people smart" and i have a way to connect...astig...siguro its part of the call center girl attitude, kasi you have to capture the callers interest in a matter of 3 seconds. siguro, wala pa kong nasakyang taxi na hindi ko nakaclose.

going back, after ng isang masayang call tym sa convergys, i went straight to media farm to finish a task na due ng twelve midnight. and its not easy, kasi thesis siya. late ako ng 3 hours sa deadline kasi alas tres ko na namail. pero buti naman at natuwa yung client sa ginawa ko. naloka lang ako sa habilin niya,

"i forgot to tell u nga pla na, medyo i tone down natin yung wordings natin sa paper. halatang hindi ako ang nagsulat e. hahaha! tipong mga 3 notches down. haha! and d naman kailangan na mahaa masyado. mas mahihirapan pa ako nyan mag defend. hehehhe!"

i dont know if i should be flattered or what, i dont know if its a compliment or an insult. insult to my intellect? heheh...

ang tanga tanga ko, lumabas ako ng opis 4 am. malamang ang duwag ko diba? paano ko makakalabas? buti nalang i came across the condo's security guard at nagkwentuhan kami until 5:30. siyempre inantay ko magliwanag.

guard: anong course mo?
ganda: mass comm
guard: masaya ka naman sa kinuha mo? bakit yan ang kinuha ko?
dyosa: ewan ko ba. eto kasi gusto ko eh. im an artist at alam kong walang pera dito sa pinasok ko. pero andito na eh. nasa diskarte nalang yan.
guard: oo nga eh. ibang klase karin eh noh, dalawa dalawa pa trabaho mo. hindi mo nalang ibigay sa mga walang trabaho.
anghel: huy hind naman. iiwan ko na nga yung call center eh. malungkot dun. walang masyadong aksyon
guard: anong gagawin mo pagalis mo dun?
godess: kakanta tsaka magtateatro...

*nye?

sa mga nakabasa ng little prince ni antoine van de exupery, feeling ko ako si little prince dito sa bago kong pinagkakabalahan. ang sarap kumausap ng commoners kasi nalalaman mo ang views nila. ang sarap gawan ng libro.

naweeweewee na ko, bukas ulit!
Previous post Next post
Up