Jul 16, 2006 09:52
kaya ayoko ng pahinga eh...kasi hindi ka na sanay mapagod...yan tuloy sumasakit na naman yung mga hindi naman usually sumasakit kasi ang dami na namang ginagawa...pati pagbabudget ng pera sumasabay sa sakit ng ulo...buti nalang kasama ko si dad ngayon sa bahay, di masyadong mabigat...
nabawasan ang idle time ko, syempre may plus and minus points yun...masaya lang kagabi kasi nagpuyat ako kaeedit ng thesis nung isang client namin...para kong bumalik sa college...
julius (sa text): buti hindi ka napapagod sa thesis b**ls**t na yan...
angel: buti nga ngayon binabayaran na ako para magedit. di tulad noon na "thank you" lang...bata pa ko taga-gawa na ko ng research paper ng classmates...ang bayad palang nila sakin nun ay sine...
julius: enjoy naman ako ngayon sa expository writing...kaso parang hindi umuubra yung mga pagpapahabang ginagawa ko...
angel: gudlak, ab pa...ang daming paper paper jan. papaliguan ka talaga...kahit haching ni gloria at mmff may reaction paper...minsan epektib ang mahaba at malalalim na words...pero sa experience ko, nilalagay mo lang ang sarili mo sa panganib pag ginawa mo yun...
i don't know why pero i miss the academe...calling ko ata talagang magturo...may offer na naman..part time/full time english teacher sa koreans. 12-15 ata o 10-12 ang sweldo...alabang at makati ang location...haaay ang hirap magdecide...
sa ngayon nakikilala ko isa-isa ang family members...iba na pala pag malaki ka na, nadidiskubre mong tao din pala ang parents mo. di tulad nung bata, sila ang superhero natin...